Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

VGMO of the University, Lecture notes of Linguistic Philosophy

University Profile of Philippine Normal University

Typology: Lecture notes

2019/2020

Uploaded on 08/06/2020

amor.margin
amor.margin 🇵🇭

1 document

1 / 3

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
M O D U
L E
I2020I
ARALIN 1
ORYENTASYON SA VMGO NG UNIBERSIDAD
(VISION, MISSION, GOALS AT OBJECTIVE)
PANIMULA
Tinutugunan ng kurso ang pangangailangan ng isang lapat na kamalayang gagabay sa
pagkakaroon ng pagpapahalaga sa pambansang kaunlaran gayundin ang pagsusuri sa iba’t ibang salik
na nakaka-apekto sa pag-unlad nito.
Tatalakayin ang Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran bilang isang kaisipan/prinsipyo at
tunguhin na nakalapat sa talino at karunungang Filipino. Pahahalagahan ang Filipino bilang wika ng
pagkatuto na pundasyon sa paglikha sa kamalayang makabansa tungo sa hangaring pahalagahan at
pauunlarin ang mga industriya ng bansa. Lilinangin ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagsusuri at
pagsasapraktika ng mga kaisipan sa Filipinolohiya sa pamamagitan ng dokumentasyon at pananaliksik
na nakatuon sa tiyak ng larang/disiplina
Nahahati ang kurso sa tatlong bahagi: Una ang pag-unawa sa Filipinolohiya bilang isang kaisipan
na nagpapabatid sa kahalagahan ng isang industriyang makabansa. Pangalawa ay ang pagsusuri ng
kalagayan ng halagahan ng wika, kultura at lipunan batay sa kaisipang Filipinolohiya na may kasamang
sa pagsipat sa kalagayan at tagumpay ng ibang bansa sa ugnayang ng programang pangwika at pang-
industriya. At pangatlo ay ang tuluyang paglalapat at pagsasapraktika ng mga kaisipan sa pamamagitan
ng aktuwal na interaksiyon o emersyon sa mga tiyak na industriya ng/sa bansa bilang bahagi na
proseso ng dokumentasyon at pananaliksik na mapag-uugnay ang gampanin ng ng mga batayang
kaalamang nakabatay sa danas. Sa dulo ng kurso ay makabubuo ang mga mag-aaral ng isang
panimulang papel/pananaliksik na naglalaman ng Filipinolohiya sa industriya ng/sa bansa.
(a)dokumentasyon ng danas sa emersyong isinagawa, (b)pagsusuring kinakikitaan ng paglalapat ng
kaisipang Filipinolohiya at (c) pagpapahalagang kaisipan na makakatulong sa isang industriyang
makabansa.
BUNGA NG PAGKATUTO
Naibibigay ang kahingian ng kurso at ang VMGO.
Nailalahad ang magiging saklaw ng talakayan ng kurso at sistema ng paggagrado.
NILALAMAN
UNIT 1 - Oryentasyon sa VMGO (Vision, Mission, Goals at Objective) ng Unibersidad.
(http://www.pup.edu.ph/ at University Student Handbook)
UNIT 2 – Kasaklawan at Kahingian sa Kurso
(PUP Website)
Mga Layunin ng Kurso
Maipaliwanag nang may husay ang kahulugan at kalikasan ng Filipinolohiya na nakaugnay sa
Wikang Filipino at nasyunalismo, siyensya at (mamamayan)
pf3

Partial preview of the text

Download VGMO of the University and more Lecture notes Linguistic Philosophy in PDF only on Docsity!

L E

ARALIN 1

ORYENTASYON SA VMGO NG UNIBERSIDAD

( VISION, MISSION, GOALS AT OBJECTIVE )

PANIMULA

Tinutugunan ng kurso ang pangangailangan ng isang lapat na kamalayang gagabay sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa pambansang kaunlaran gayundin ang pagsusuri sa iba’t ibang salik na nakaka-apekto sa pag-unlad nito. Tatalakayin ang Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran bilang isang kaisipan/prinsipyo at tunguhin na nakalapat sa talino at karunungang Filipino. Pahahalagahan ang Filipino bilang wika ng pagkatuto na pundasyon sa paglikha sa kamalayang makabansa tungo sa hangaring pahalagahan at pauunlarin ang mga industriya ng bansa. Lilinangin ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagsusuri at pagsasapraktika ng mga kaisipan sa Filipinolohiya sa pamamagitan ng dokumentasyon at pananaliksik na nakatuon sa tiyak ng larang/disiplina Nahahati ang kurso sa tatlong bahagi: Una ang pag-unawa sa Filipinolohiya bilang isang kaisipan na nagpapabatid sa kahalagahan ng isang industriyang makabansa. Pangalawa ay ang pagsusuri ng kalagayan ng halagahan ng wika, kultura at lipunan batay sa kaisipang Filipinolohiya na may kasamang sa pagsipat sa kalagayan at tagumpay ng ibang bansa sa ugnayang ng programang pangwika at pang- industriya. At pangatlo ay ang tuluyang paglalapat at pagsasapraktika ng mga kaisipan sa pamamagitan ng aktuwal na interaksiyon o emersyon sa mga tiyak na industriya ng/sa bansa bilang bahagi na proseso ng dokumentasyon at pananaliksik na mapag-uugnay ang gampanin ng ng mga batayang kaalamang nakabatay sa danas. Sa dulo ng kurso ay makabubuo ang mga mag-aaral ng isang panimulang papel/pananaliksik na naglalaman ng Filipinolohiya sa industriya ng/sa bansa. (a)dokumentasyon ng danas sa emersyong isinagawa, (b)pagsusuring kinakikitaan ng paglalapat ng kaisipang Filipinolohiya at (c) pagpapahalagang kaisipan na makakatulong sa isang industriyang makabansa. BUNGA NG PAGKATUTO  Naibibigay ang kahingian ng kurso at ang VMGO.  Nailalahad ang magiging saklaw ng talakayan ng kurso at sistema ng paggagrado. NILALAMAN UNIT 1 - Oryentasyon sa VMGO ( Vision, Mission, Goals at Objective ) ng Unibersidad. (http://www.pup.edu.ph/ at University Student Handbook) UNIT 2 – Kasaklawan at Kahingian sa Kurso ( PUP Website) Mga Layunin ng Kurso  Maipaliwanag nang may husay ang kahulugan at kalikasan ng Filipinolohiya na nakaugnay sa Wikang Filipino at nasyunalismo, siyensya at (mamamayan)

L E

 Makapaglahad ng kalagayan at halaga ng Filipinolohiya sa pamamagitan ng paglalatag ng sitwasyong pangkultura, pangwika at panlipunan sa bansa at ibang bansa.  Matukoy ang kronolohikal na kasaysayan ng Industriya sa/ng Bansa.  Makapag-analisa ng kalagayan ng Pambansang Industriya sa Pilipinas at sa ibang Bansa  Makapagtamo ng kaalaman at kasanayan sa Industriyal na Pananaliksik (critical research paper) pananaliksik Kritika sa industriya(critical paper on industry).  Makapagpamalas ng awtentikong kaalaman batay sa Interaksiyon / Partisipasyon / Imersyon / Dokumentasyon sa aktuwal na industriya.  Makapagbuo ng artikulong Pananaliksik batay sa dokumentasyon ng industriya.  Makapagbahagi ng mga artikulong pananaliksik sa akademya at industriyang inaral. Mga Paksain ng Kurso Linggo 1: Oryentasyon sa VMGO ( Vision, Mission, Goals at Objective ) ng Unibersidad. Pagbibigay ng mga kahingian sa kurso, pagtatalakay sa kasaklawan ng mga paksain sa klase at sistema ng paggagrado (grading system). Linggo 2-3: Filipinolohiya: Kahulugan at Kalikasan ng Kamalayang Bayan a. Wikang Filipino at/ay Diskursong Makabayan (nasyunalismo) b. Wikang Filipino at /ay Mamamayan c. Wikang Filipino at/ay Agham-Bayan Linggo 4-5: Filipinolohiya: Kalagayan ng Halagahan batay sa Sitwasyong Pangkultura, Pangwika at Panlipunan a. sa Pilipinas b. ibang bansa Linggo 6-9: Filipinolohiya at/sa Pambansang Kaunlaran a. Kasaysayan ng Industriya sa/ng Bansa b. Kalagayan ng Pambansang Industriya sa Pilipinas at sa ibang Bansa

  • Agrikultura at Pagsasaka
  • Pagkain at Kalusugan
  • Langis at Enerhiya
  • Pagmimina
  • Transportasyon at Komunikasyon
  • Pabahay at Imprastraktura
  • Turismo
  • Pananalapi
  • Edukasyon
  • Teknolohiya atbp. c. Ugnayan ng Filipinolohiya at mga industriya sa Pilipinas