Download STS CHAP 6.docx - hahahahahah and more Schemes and Mind Maps English Language in PDF only on Docsity!
Mga Teorya at Proseso sa Pagbasa at Pagsulat Teoretikal na Modelo Mga
Teorya at Proseso
Pangkat Dalawa
Isinumite nila:
Calilung, Khamomille R. Ilagan, Dave P. Manzanares, Jellyssa G. Marandang, Hafsah Goldy H.A Marquez, Desiree G. Navarro, John Carl C. Pastrana, Marq Andrew D. Pineda, Markjoshua V. Ramirez, Rozen A. Ramos, Riley Benedict J. Roxas, Jherlyn T. Santos, Erin Fionah G.
Ipinasa kay:
Ramos, Bernardo F.
September 2022 (October 14, 2022)
B. Obserbasyon
Magdikit ng isang balita o resulta ng pananaliksik patungkol sa estado ng pagbasa at pagsulat
ng mga kabataang Pilipino. Ibigay ang iyong reaksyon ukol dito.
SANGGUNIAN:
rin sa pinakamaimpluwensiya sa larangan ng pananaliksik at patakaran na pangunahing “sinusukat ang abilidad ng 15 taong gulang na gamitin ang kanilang kaalaman sa pagbabasa, mathematics at science at kakayahang harapin ang mga hamon ng tunay-na-buhay.” Dahil dito, 80 na porsyento ang may pinakamababang antas ng kasanayan na inaasahan para sa kani-kanilang mga marka, kaya karamihan sa kapwa nating mga Pilipino ay mababa ang pag-intindi o pang-unawa. Mayroong mga kaalamang maaari nating magamit sa pansariling kinabukasan ng lipunan. Dahil sa estado ng ating bansa, nakalulungkot na sa bawat apat na mag-aaral, mayroong isang walang kasanayan sa pagbasa. Naapektuhan din ang kanilang pamumuhay dahil sa mahinang kasanayan sa pagbasa. Nahihirapan din silang maging magaling sa eskwelahan dahil hirap silang bumasa. Nahihirapan din silang umunawa ng mga direksyon katulad ng sa daan, sa mga pagsusulit sa paaralan, at iba pa. Isang rason sa problemang ito ay ang kakulangan ng “reading materials” sa mga liblib na lugar, mahinang ugnayan dahil walang internet, walang encyclopedias at iba pang mga digital na teksto. Ang mga libro at mga nakalimbag na teksto ay mahalaga. Ang kultura ng pagbasa ay maisusulong sa pamamagitan ng pinalawig na mga proyekto sa literasiya, at book talks ng mga guro. Maging aktibo sa pagtataguyod ng kultura sa pagbabasa ng aktwal na ginagamit ang mga silid. Kailangan ding magabayan ang mga magulang at guro sa paghawak ng digital na literasiya na lahat ng nagtuturo ay dapat “reading teachers.” Naniniwala kaming mas mabuting anyayahan ang isang batang nahihirapan sa pagbasa na magpahinga saglit mula sa "nakakapagod" na aktibidad na ito at sa halip ay makisali sa mga masasayang pagsasanay na may materyal na salita; ang pagpapatupad ng mga pagsasanay na ito ay hahantong sa pagbuo ng ilang mahahalagang operasyon na sumasailalim sa pagbabasa; na pinagdalubhasaan ang mga ito, ang bata ay nagsisimulang magbasa nang mas mahusay. Napakalaki ng ginagampanang tungkulin ng mga guro sa paghubog ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa at ito ay nakasalalay sa kakayahan ng mga guro sa paghahanda ng mga aktibidad sa loob ng paaralan. Kaya nararapat lamang na magdiskubre ang mga guro ng iba pang paraan o estratehiya kung paano mapauunlad ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa.
D. Aplikasyon
Bumuo ng iyong sariling Teoretikal na Modelo ng Pagbasa at Pagsulat. Iaply ito sa balita o resulta
ng pananaliksik patungkol sa estado ng pagbasa at pagsulat ng mga kabataang Pilipino na iyong
inilagay sa Obserbasyon.
TEORETIKAL NA MODELO NG PAGBASA AT PAGSULAT
Eksplanasyon sa Pagbuo ng Teoretikal na Modelo sa Pagbasa at Pagsulat:
1. Bago magbasa
● Pagsisiyasat
- Ang pagsisiyasat ay paraan upang malaman na ang artikulo na kanilang kinuha ay mapagkakatiwalaan. Ito ay nagbibigay ng kakayahan sa isang indibidwal na alamin ang kasagutan sa kaniyang isipan. Ang aming grupo ay nagsiyasat ng iba’t ibang artikulo at sources upang magkaroon kami ng pagpipilian at gagamitin sa aming ginawang reaksyong papel. Mahalagang ito ang maging unang hakbang namin upang sa gayon ay masiguro namin ang kredibilidad ng mga artikulo na aming pagpipilian. Ang pagsisiyasat ay magbibigay sa atin ng mga bagong kaalaman at kalinawan na maaaring magpabago sa ating nakasanayan. Bilang panghuli, ginamitan namin ito ng pagsisiyasat kung ang artikulo na aming napili ay angkop sa paksa ng pagbasa at pagsulat. Paano naganap ang pagsisiyasat at ang iba pang mga elementong inilagay ninyo? ● Pagpili sa Artikulo
- Sa bahagi na ito ay napagkasunduan ng aming grupo na pumili ng artikulo na sa tingin namin ay perpekto na tatalakay sa tunay na estado ng mga kabataang Pilipino sa larangan ng pagbasa at pagsulat. Ang pagpili ng tamang artikulo ay napakaimportante sa kadahilanan na ito ang bibigyan ng reaksyon ng mga mag- aaral. Nararapat itong piliin nang matiwasay upang sa gayon, ang mga reaksyong ibibigay ng aming grupo ay tumpak at may paninindigan. Sa kabilang banda, ang maling reaksyon ay maaaring magmitsa sa panibagong problema na nakaakibat dito. Panghuli, pagkatapos naming kumalap at pumili ng balita, napagdesisyunan ng aming grupo na pagbotohan kung ano ang aming gagamitin at kung ito ba ay akma sa paksa ng estado ng pagbasa at pagsulat ng mga kabataang Pilipino. ● Pagsusuri sa Napiling Balita
- Ang pagsusuri ng napiling balita ay pag-aanalisa sa napiling artikulo upang malaman kung ito ay galing sa mapagkakatiwalaan na pinagmulan. Masusi itong sinuri ng aming grupo upang matiyak ang kredibilidad ng mga impormasyon na
nakapaloob sa artikulong ito. Sa pagpili ng balita, sabay-sabay namin itong binasa at inalam kung ang napili naming lahat ay konektado sa paksa na aming gagawin na pagsasanaysay. Minabuti namin ang pagpili upang maiwasan ang pagkakamali sa paksang gagawan ng reaksyon. Sinigurado rin namin na ang artikulong aming napili ay magbibigay ng katuturan hindi lang sa aming grupo, gayundin sa mga babasa nito.
2. Habang binabasa/nagbabasa
● Pag-unawa
- Ang pag-unawa ay ang pag-intindi sa kahulugan ng teksto o sa mga susing salita nito. Isa rin ito sa pinakamahalagang hakbang sa kadahilanang magiging daan ito upang maisabuhay ng aming grupo ang mensaheng nais iparating ng artikulong aming napili. Bilang karagdagan, ito ang hakbang kung saan ang aming grupo ay binasa ang balita at inintindi ang nilalaman nito. Habang binabasa ay nagkakaroon kami ng ideya at kaalaman patungkol sa isyu ng pagbabasa at matematika na nararanasan ng mga kabataang Pilipino sa ating bansa. Sa pagkakataong ito, unti- unti na naming nauunawan ang mensahe na nais iparating ng teksto. Na ano? ● Pag-uugnay
- Matapos naming maunawaan ang teksto ay iniugnay namin siya sa sarili naming karanasan. Ang paggawa ng koneksyon sa teksto ay isang paraan upang mas maintindihan ng mambabasa ang kaniyang binabasa. Sa pagkakataong ito ay inilalagay namin ang aming perspektibo sa mga kabataang Pilipino na nakararanas ng ganitong uri ng problema. Iniugnay namin ang mga napapanahong pangyayari na nagaganap sa ating bansa, partikular sa kulang na kasanayan ng mga bata sa pagbabasa at matematika. Karagdagan dito, ang pagsasabuhay ng mga mensahe na ipinararating ng teksto ay makatutulong sa amin upang makapagbigay kami ng naayon na reaksyon na sa tingin ng aming grupo ay hindi makatatapak sa ibang saloobin.
3. Pagkatapos magbasa
● Pagbubuod
- Ang pagbasa ay isang proseso ng pagkuha, pagkilala, at pag-unawa sa kahulugan ng isang sulatin at ang pagbibigay ng interpretasyon dito. Ang aming grupo ay nagbasa ng mga balitang tungkol sa estado ng pagsulat at pagbasa ng mga kabataan na siyang naging paksa sa pagsulat ng reaksyon. Nakatulong ang pagbabasa bago simulan ang pagsusulat ng aming reaksyon tungkol sa balitang napili sapagkat mas nagkaroon kami ng malalim na pag-intindi at pag-unawa rito. Panghuli, sa aming pagbabasa ay nakabuo kami ng mga katanungan at matalinong prediksyon patungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang pagbabasa. ● Pagkalap ng impormasyon
- Ang pagkalap ng impormasyon ay ang pagkuha ng pagbabasehan para sa paksang gagawin upang masagot ang mga katanungang kabilang dito. Ito ay ang pag-iisa ng mga gagamiting materyales at citation. Sa parteng ito ay kumuha ng mga impormasyon ang aming grupo bilang katibayan sa aming mga punto at suportahan ang aming pahayag. Sa parte ring ito namin nahinuha na may mga iba pang paktor na nakaaapekto sa kalagayan ng mga kabataang Pilipino na nahihirapan sa pagbasa at pag-unawa tulad na lamang ng environmental factor at iba pa. Bilang panghuli, sinigurado ng aming pangkat na ang mga impormasyon na aming gagamitin ay wasto at ang kredibilidad ay maaasahan. ● Brainstorming
- Ang brainstorming ay tumutukoy sa proseso na kung saan ang mga tao ay nagkakaroon ng palitan ng ideya ukol sa isang paksa. Sa pamamagitan nito, ang aming grupo ay kumolekta ng mga ideya at detalyeng may kaugnayan sa paksang gagawan ng reaksyon. Nagpakita ng mga ideya ang bawat isa at saka nagbotohan para sa pipiliing balita. Dahil dito ay nakagawa ng produktibong desisyon o pasya ang aming grupo at nagkaroon ng kalayaang magbigay ng opinyon para sa ikabubuti ng pagpapasya. Bilang panghuli, napakahalaga ng parte na ito sa kadahilanang nabibigay ng bawat miyembro ang kanilang saloobin at suhestiyon sa partikular na artikulong pinag-usapan.
2. Habang sumusulat
● Pagsulat ng sariling interpretasyon
- Ang pagsulat ng sariling interpretasyon ay ang proseso kung saan ipinapaliwanag at ipinahahayag ang sariling pag-unawa sa isang babasahin. Pagkatapos magbasa ng aming grupo, kami ay gumawa ng sari-sariling reaksyon papel na naglalaman ng kaniya-kaniyang pag-unawa at pag-intindi tungkol sa binasang balita para na rin malaman kung naunawaan bang mabuti ang balitang binasa at mapagsama- sama ang mga ideya ng grupo. Sa pamamagitan nito ay mas nalalaman pa namin ang mga perspektibo at saloobin ng bawat miyembro. Mahalaga ito sa kadahilanan na napaguusapan namin ang aming mga suhestiyon at interpretasyon patungkol sa problemang kinahaharap ng mga kabataang Pilipino. ● Pagsulat ng sariling opinyon
- Ang pagsulat at pagbigay ng sariling opinyon ay ang paglalahad ng sariling pananaw, nararamdaman, at pagbigay ng sariling ideya. Ang aming grupo ay nagbigay ng aming sariling paniniwala, opinyon, at estratehiya tulad ng pagkakaroon ng masayang pagsasanay na may materyal na salita na hahantong sa pagbuo ng mahahalagang operasyon na sumasailalim sa pagbabasa at paghahanap ng mga guro ng iba pang paraan na makatutulong sa pagpapaunlad sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa, pagsulat, at matematika. Sa parteng ito, napagkasunduan ng aming pangkat na ilahad ang aming mga opinyon upang sa gayon ay maipresenta namin ang aming mga natutuhan at saloobin pagkatapos naming basahin at unawain ang teksto. Mahalaga ang pagbibigay ng opinyon ng bawat miyembro sapagkat maaari nating malaman ang kanilang palaisipan at nadarama sa pamamagitan ng pagsabi ng kanilang suhestiyon sa mga bagay-bagay.
3. Pagkatapos sumulat
● Pagbubuod
- Ang pagbubuod ay ang paggawa at paglalahad ng pinaikling bersyon ng nagawang sulatin. Sa pagbubuod, pinipili lamang ang mahahalagang ideya o pangyayari sa isang binasang teksto. Pagkatapos kumalap at magbasa ng balita, magsulat ng indibidwal na reaksyon at magbigay ng interpretasyon at opinyon ukol sa binasa,
a. Naibigay ang kahulugan b. Naiaplay sa nilalaman tekstong binasa (Naipaliliwanag ang pagsusuring ginawa sa tulong ng kaukulang detalye.
Ang teoretikal na modelo ay dapat naipaliliwanag ang nagaganap na proseso
ng pagbasa na hahantong sa pagsusuri ng nilalaman ng teksto. Dapat makita sa
paliwanag kung saang bahagi sa teksto naganap ang pagbasa, paghinuha, analisasyon, biswalisasyon, interpretasyon, na magtatapos sa pagsulat (mga elemeno ng pagsusuri na inilagay ninyo sa diagram)..