Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Sitwasyon ng mga pangkat minorya; katutubo, Exercises of History

mga pangunahing pangkat etniko at dahilan ng kanilang unti-unting paglaho

Typology: Exercises

2020/2021
On special offer
40 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 01/23/2022

mhelckey
mhelckey 🇵🇭

4.9

(16)

5 documents

1 / 7

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
YUNIT VI SITWASYON NG MGA PANGKAT MINORYA: KATUTUBO
Pahina I 1
CASTILLO, GEORGE P.
SOSYEDAD AT LITERATURA
LUNSARAN
MAGSALIKSIK KA
N
arito ang ilan lang sa
mga
pangunahing
pangkat etniko sa Pilipinas,
magsaliksik ng mga impormasyon ukol sa kultura’t tradisyon ng mga
pangkat na ito nang sa gayon ay higit mo pa silang makilala. Isulat
ang nasaliksikna impormasyon maging kung saan ito kinuha sa loob
ng kahon.
Matatagpuan sa Batanes. Karaniwan sa kanila ang pagsusuot
ng vakul, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng
voyavoy. Madalas dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya
mababang hugis-kahon ang kanilang bahay na yari sa bato,
kogon at apog. Pangunahing ikinabubuhay nila ay ang
pagtatanim ng mga halamang-ugat. Sa kasaysayan, ang mga
ninuno ng mga Ivatan ay nanggaling pa sa timog ng Taiwan at
ang Batanes ay ginawang tulay para makarating sa iba pang
mga bansa na gaya ng Indonesia. Ang kanilang wikang Ivatan
ay namumukod-tangi dahil sa kakaibang bokabularyo at
pagbigkas na hindi katulad ng isang tipikal na wika sa Pilipinas,
bagamat may pagkakahawig naman ang Ivatan sa ibang mga
wika sa hilagang Luzon, tulad ng Ilokano at Ibanag.
.
Matatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Naglalagay sila ng tatu at itim
sa ngipin upang akitin ang napupusuan. Naniniwala sila sa pagkakaroon
ng isang asawa lamang at pinapatawan ng malaking multa ang
pagtataksil sa asawa. Ang tribong ito ay nanatili pa ring buhay at
masigla ang kultura magpa hanggang ngayon, sa kabila ng mga
pagbabago sa lipunan. Ang salitang "Tinguian" ay kinuha marahil sa
isang Malay na salita na ang ibig sabihin ay bundok o matatas na lupain
at marahil ay ipinukol ang salitang ito sa panahon ng pananakop ng mga
Espanyol. Ito kasi ang salitang itinatawag ng mga Espanyol sa lahat ng
mga tao o tribong nakatira sa mga bundok sa buong arkipelago tulad ng
Zambales, Bohol, Basilan, at Mindanao. Ngunit ngayon ang mga
natatanging gumagamit nito ay mga kapwa nating Pilipino na
naninirahan sa mga bundok ng Abra, Ilocos Sur at Ilocos Norte.
pf3
pf4
pf5
Discount

On special offer

Partial preview of the text

Download Sitwasyon ng mga pangkat minorya; katutubo and more Exercises History in PDF only on Docsity!

SOSYEDAD AT LITERATURA

LUNSARAN

MAGSALIKSIK KA!

Narito ang ilan lang samgapangunahingpangkat etniko sa Pilipinas, magsaliksik ng mga impormasyon ukol sa kultura’t tradisyon ng mga pangkat na ito nang sa gayon ay higit mo pa silang makilala. Isulat ang nasaliksikna impormasyon maging kung saan ito kinuha sa loob ng kahon.

Matatagpuan sa Batanes. Karaniwan sa kanila ang pagsusuot ng vakul, isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng voyavoy. Madalas dinaraanan ng bagyo ang Batanes kaya mababang hugis-kahon ang kanilang bahay na yari sa bato, kogon at apog. Pangunahing ikinabubuhay nila ay ang pagtatanim ng mga halamang-ugat. Sa kasaysayan, ang mga ninuno ng mga Ivatan ay nanggaling pa sa timog ng Taiwan at ang Batanes ay ginawang tulay para makarating sa iba pang mga bansa na gaya ng Indonesia. Ang kanilang wikang Ivatan ay namumukod-tangi dahil sa kakaibang bokabularyo at pagbigkas na hindi katulad ng isang tipikal na wika sa Pilipinas, bagamat may pagkakahawig naman ang Ivatan sa ibang mga wika sa hilagang Luzon, tulad ng Ilokano at Ibanag. .

Matatagpuan ang mga Tinguian sa Abra. Naglalagay sila ng tatu at itim sa ngipin upang akitin ang napupusuan. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng isang asawa lamang at pinapatawan ng malaking multa ang pagtataksil sa asawa. Ang tribong ito ay nanatili pa ring buhay at masigla ang kultura magpa hanggang ngayon, sa kabila ng mga pagbabago sa lipunan. Ang salitang "Tinguian" ay kinuha marahil sa isang Malay na salita na ang ibig sabihin ay bundok o matatas na lupain at marahil ay ipinukol ang salitang ito sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Ito kasi ang salitang itinatawag ng mga Espanyol sa lahat ng mga tao o tribong nakatira sa mga bundok sa buong arkipelago tulad ng Zambales, Bohol, Basilan, at Mindanao. Ngunit ngayon ang mga natatanging gumagamit nito ay mga kapwa nating Pilipino na naninirahan sa mga bundok ng Abra, Ilocos Sur at Ilocos Norte.

SOSYEDAD AT LITERATURA

Kilala rin sa tawag na Apayao o Ina-gang mga Isneg na matatagpuan sa Kalinga at Apayao. Ang pamayanan nila ay matatagpuan sa matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog. Bigas ang pangunahing pagkain ng mga Isneg. Maliban sa palay, nagtatanim sila ng mais, kamote, taro at tubo para sa paggawa ng basi. Ginagawa nila ang pagtatanim matapos ang ilang ritwal o seremonya ayon na rin sa kanilang paniniwala na kaugnay ng lupa, gubat at ilog ang buhay. Ayon sa kanilang batas, ang pag-aari ng lupa ay batay sa pagiging una sa paggamit nito, aktwal na paggamit at pagtira rito at kung ito ay namamana.

Pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa bulubunduking lalawigan ng Hilagang Luzon. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa. Kadalasan ang Kadangyan na tradisyonal na aristokrasya at ang mga matatanda ang may malaking impluwensiya sa lipunan. Sila ang pinag-apuhan ng mga semi-literate na Malay na dumayo sa Pilipinas sa pamamagitan ng Lingayen gulf. Katulad ng mga ibang tribo, sila ay kasama sa mga gumawa ng nakakiling na sakahan upang mapalawak ang lupain ng Cordillera. Anga mga nasa kanlurang Mountain Province mula sa munisipalidad ng Sagada at Besao ay kinikilala ang kanilang mga sarili bilang parte ng tribong tinatawag na Applai o Aplai. Ang mayorya sa mga Kankanaey ay kawangis ng mga Nabaloi ngunit ang pagkakaiba ng mga babaing Kankanay a mga Nabaloi ay ang kanilang pananamit. At ang tawag sa kanilang damit ay palingay o tapis. Unti-unting nawawala ang tradisyon ng pagtatatu at pagsusuot ng leglet (purselas sa binti).

Pandak, maitim, kulot ang buhok, itim ang mga mata, pango ang ilong at nakabahag. Pinaniniwalaang ang mga Negrito o Ita ay ang mga pinakaunang tao sa Pilipinas. Ang pangangaso at kaunting kaalaman sa pagtatanim ang pangunahing ikinabubuhay nila. Kilala rin sa tawag na Ita, ang mga Aeta ay isa sa mga sinaunang pangkat etniko sa Pilipinas. Naninirahan sila sa kabundukan ng Zambales. Simple lang ang kanilang pamumuhay at patuloy pa rin silang gumagamit ng mga sibat, itak, at pana sa panghuhuli ngkanilang makakain.

SOSYEDAD AT LITERATURA

Ilahad ang mga sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan nakalahad sa akdang “Katutubo”

ABSTRAKSYON

HINDI PAGKAKAPANTAY-PANTAY NG KARAPATAN

Dahil sa mga katutubong pangkat minorya at sila’y nasa mga kabundukan o mga malalayung lugar sa kabihasnan at hindi sapat ang kanilang inaral kung kaya’t hindi mulat sa kanila ang tinatawag na karapatan pagka sila’y makikipagsapalaran sa mga ibang bayan. Lalo na sa mga tribo na talagang sila sila lang, sila ang target ng mga dayuhan pati na rin ang mga may matataas na antas sa lipunan dahil kulang ang kanilang kaalaman sa kung ano ang pamamalakad dito At dahil din sa sila’y nasa maliliblib na lugar mababa ang antas ng edukasyon na nakukuha nila minsan.

Dahil dito ang nagiging epekto nito ay hindi nila maipaglaban ang kanilang mga sarili sa mga dayuhan. Sila ay pinagkaisahan at pinagkaitan inaaabuso, tinatapak- tapakan ang kanilang mga karapang pantao at wala rin silang kaalam alam sa mga batas. Ang mga nakagisnan nilang gawain noon ay nalilimitahan dahil ayaw nilang mapahamak o kaya ay madamay ang kanilang mga pamilya. Ang mga nakagisnan din nilang kaugalian ay nalalapastangan dahil lang sa wala silang laban.

SOSYEDAD AT LITERATURA

Suriin mo!

Sa bahaging ito ng Yunit VI, kailangan mo nang maipakita ang iyong kahusayan sa pagsusuri ng akda gamit ang angkop na akdang pampanitikan. Narito ang gabay mo sa iyong isasagawang pagsusuri: o Panimula: Introduksyon ukol sa tula at kung para kanino ang akdang ito

o o Katawan: Angkupan ng teoryang pampanitikan ang akda at gamitin ang konsepto nito sa pagsusuri ng nilalaman at isinisiwalat ng tula

o Wakas: Mensahe at repleksyon ukol sa akdang sinusuri

DISKRIMINASYON SA NASA PANGKAT MINORYA

Diskriminasyon sa mga nasa

pangkat minorya dahil may

kinalaman sa hindi magandang

pakikitungo sa kanila dahil

nagmula sila sa partikular na lahi

o dahil sa mga personal na

katangian na nai-uugnay sa

kanilang lahi gaya ng karakter ng

buhok, kulay ng balat, o ilang

katangian ng mukha pati na din

ang kanilang tradisyon at kultura

at dahil dito ito’y nagiging dahilan

ng hindi magandang pakikitungo

ng mga taga rural na tao sa mga

pangkat minorya at dini-

diskrimina sila dahil dito.

Ang nagiging bunga nito ay nakakaranas sila ng pang iinsultong nai- uugnay sa kanilang lahi, kultura at tradisyon, nakakarinig ng mga mapanakit na salita o kaya naman mga mapanirang puri na komento tungkol sa kanila at dahil sa mga kaugalian o tradisyon na bago sa mga dayuhan, pinagtatawanan at hindi nirerespeto kaya unti-unting naglaho ang mga makukulay nilang kultura. Bilang espesyal na sektor sa lipunan, nahaharap din ang mga katutubo sa siyudal na di pagka kapantay-pantay, korakot at represibong gobyerno, at dominasyon ng dayuhan kaya mas nanaisin nalang nila na hindi magpakita sa mga ibang tao na hindi nila kalahi.

SOSYEDAD AT LITERATURA

Gumawa ng sariling akdang pampanitikan na nagsisiwalat ng mga sitwasyong nararanasan ngayon ng mga taong nabibilang sa mga pangkat minorya. Ilahad sa iyong akda ang iyong saloobin, damdamin, opinyon, at pakikisangkot sa isyung nabanggit.

APLIKASYO

N