Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Paraan ng Pagwawasto o Ebalwasyon ng Salin para kay Larson (1984), Study Guides, Projects, Research of English Language

Ang papel na ito ay magsisilbing gabay sa pansariling pagkatuto at pag-unlad ng kaalaman sa mundo ng pagsasalin. Magagamit ito bilang patnubay sa mga tuntunin sa paraan ng pagwawasto o ebalwasyon ng salin upang maging makabuluhan, epektibo at wasto o angkop ang pagtutumbas ng mga salita. Kailangang maging malinaw ang mga nararapat gawin at sundi bilang paraan ng pagwawasto o ebalwasyon ng salin nang sa gayon ay mas maihatid nang malinaw ang mensahe sa mga mambabasa. Nilalayon din ng papel na i

Typology: Study Guides, Projects, Research

2019/2020
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 05/30/2020

daryll-candia-official
daryll-candia-official 🇵🇭

4.8

(58)

25 documents

1 / 5

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Paraan ng Pagwawasto o Ebalwasyon ng Salin para kay
Larson (1984)
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang magtataglay ng mga
sumusunod na mga kakayahan:
a.) Nailalahad ang mga paraan ng pagwawasto o ebalwasyon ng salin;
b.) nakapagbibigay-halaga sa kahalagahan ng pagsasalin-wika sa ating buhay; at
c.) nakasusulat ng pagsasalin-wika ng mga salita sa wikang Ingles tungo sa
wikang Filipino na hindi nawawala ang diwa ng teksto.
II. Introduksyon
Ang papel na ito ay magsisilbing gabay sa pansariling pagkatuto at pag-unlad ng
kaalaman sa mundo ng pagsasalin. Magagamit ito bilang patnubay sa mga tuntunin sa
paraan ng pagwawasto o ebalwasyon ng salin upang maging makabuluhan, epektibo at
wasto o angkop ang pagtutumbas ng mga salita. Kailangang maging malinaw ang mga
nararapat gawin at sundi bilang paraan ng pagwawasto o ebalwasyon ng salin nang sa
gayon ay mas maihatid nang malinaw ang mensahe sa mga mambabasa. Nilalayon din ng
papel na ito na maipakita ang mga paraan na dapat gawin sa pag-ebalweyt ng salin.
III. Nilalaman
May limang paraan ng pagwawasto o ebalwasyon ng salin para kay Larson (1984)
na kanyang tinalakay nang detalyado:
1. Paghahambing ng salin sa orihinal
Layunin nito upang tingnan kung pareho ang nilalamang impormasyon ng
dalawa. Upang matiyak na ang lahat ng impormasyon ay nailipat sa salin. Sino ang
gumagawa nito? Ang nagsalin mismo o ang isang tao na marunong sa dalawang wikang
sangkot sa gawaing pagsasalin at marunong ng mga simulain ng pagsasalin. Dapat
tandaan na ang layunin ay hindi ipareho ang salin sa Forms ng Simulaing Wika ( source
languag ). Ang forms na tinutukoy ay ang mga paimbabaw na estruktura ( surface
structure ) o ang mga aktwal na salita,parirala,sugnay,pangungusap na sinasalita o sinulat.
pf3
pf4
pf5
Discount

On special offer

Partial preview of the text

Download Paraan ng Pagwawasto o Ebalwasyon ng Salin para kay Larson (1984) and more Study Guides, Projects, Research English Language in PDF only on Docsity!

Paraan ng Pagwawasto o Ebalwasyon ng Salin para kay

Larson (1984)

I. Layunin Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang magtataglay ng mga sumusunod na mga kakayahan: a.) Nailalahad ang mga paraan ng pagwawasto o ebalwasyon ng salin; b.) nakapagbibigay-halaga sa kahalagahan ng pagsasalin-wika sa ating buhay; at c.) nakasusulat ng pagsasalin-wika ng mga salita sa wikang Ingles tungo sa wikang Filipino na hindi nawawala ang diwa ng teksto. II. Introduksyon Ang papel na ito ay magsisilbing gabay sa pansariling pagkatuto at pag-unlad ng kaalaman sa mundo ng pagsasalin. Magagamit ito bilang patnubay sa mga tuntunin sa paraan ng pagwawasto o ebalwasyon ng salin upang maging makabuluhan, epektibo at wasto o angkop ang pagtutumbas ng mga salita. Kailangang maging malinaw ang mga nararapat gawin at sundi bilang paraan ng pagwawasto o ebalwasyon ng salin nang sa gayon ay mas maihatid nang malinaw ang mensahe sa mga mambabasa. Nilalayon din ng papel na ito na maipakita ang mga paraan na dapat gawin sa pag-ebalweyt ng salin. III. Nilalaman May limang paraan ng pagwawasto o ebalwasyon ng salin para kay Larson (1984) na kanyang tinalakay nang detalyado:

1. Paghahambing ng salin sa orihinal Layunin nito upang tingnan kung pareho ang nilalamang impormasyon ng dalawa. Upang matiyak na ang lahat ng impormasyon ay nailipat sa salin. Sino ang gumagawa nito? Ang nagsalin mismo o ang isang tao na marunong sa dalawang wikang sangkot sa gawaing pagsasalin at marunong ng mga simulain ng pagsasalin. Dapat tandaan na ang layunin ay hindi ipareho ang salin sa Forms ng Simulaing Wika ( source languag ). Ang forms na tinutukoy ay ang mga paimbabaw na estruktura ( surface structure ) o ang mga aktwal na salita,parirala,sugnay,pangungusap na sinasalita o sinulat.

2. Balik-salin (back-translation) Sino ang gumagawa ng pagwawastong ito? Isang taong bilinggwal sa mga wikang kasangkot sa pagsasalin. Kailangan ay hindi niya nabasa ang source text o ang tekstong isasalin. Sa balik-salin o back-translation mayroon munang literal rendering ng salin. May isa-sa-isang tumbasan (one to one correspondence) upang maipakita ang kayarian o structure ng salin. Pero ang mga pangungusap sa back-salin ay nasa karaniwang anyo ng gramatika ng wikang isinasalin. Halimbawa: What is your name? Ano ang iyong pangalan? -salin What the your name?Literal rendering ng balik-salin What is your name? Sa halimbawa sa itaas, binigyan ng balik-salin ang salin na- Ano ang iyong pangalan? Ngunit bago isinasagawa ang balik-salin, ibinigay ang isa-sa-isang tumbasan ( literal rendering) ng bawat salita sa pangungusap- What the your name? Sa pamamagitan nito, malalaman ng tagasalin ang kahulugan/ nilalaman ng pangungusap at mabubuo ang balik-salin- What is your name? Sa ganitong paraan ng pagwawasto, ang konsultant ay may access sa salin kahit alam ang wikang pagsasalinan dahil mula sa literal rendering ay mahuhulaan niya kung ano ang ibig sabihin. 3. Pagsubok sa pag-unawa (Comprehension test) Ang layunin ng pagsubok na ito ay upang malaman kung ang salin ay naiintindihan nang wasto o hindi ng mga katutubong nagsasalita ng wikang pinagsasalinan. Layunin din nito na malaman kung ano ang ibig iparating ng salin sa mga taong kinauukulan. Sa pagsubok na ito ay kailangan ng tester at mga respondent. Higit na mabuti kung ang tester ay ibang tao at hindi ang nagsalin. Habang isinasagawa ang pagsubok sa pag-unawa o komprehensyon, itinatala ng tetser ang lahat ng mga sagot ng respondente. Maaaring gumagamit ng cassette recorder subalit dapat din siyang magtala. Pagkatapos ay magsasagawa ng ebalwasyon ang tester at ang tagapagsalin.

Ang readability test ay maaari ring maaapektuhan ng formatting matters. Ang mga ito ay ang laki ng tipo, bantas, baybay, laki ng marvin at puwang sa pagitan ng mga linya.

6. Pagsubok sa Konsistensi (Consistency Cheeks) Mayroong iba't ibang uri ng mga pagsubok sa konsistensi. Ang iba ay may kinalaman sa nilalaman ng salin at ang iba ay may kinalaman sa teknikal na detalye ng presentasyon, gayundin ang paggamit ng pananalita. Kung mahaba ang dokumentong isinasalin o ginawa sa loob ng mahabang panahon, maaring hindi na maging konsistent ang tagasalin sa paggamit ng teknikal na katumbas para sa ilang mga key term, kaya kailangang tingnan ang mga ito sa wakas ng proyektong pagsasalin. Ito ay totoo sa mga dokumentong teknikal, pampolitika, o panrelihiyon. Tungkol sa Ebalwasyon ng Salin: Ayon kay Burton Raffel: " Walang Perpektong Salin". Lahat ng salin ay pawang mga aproksimasyon lamang. Dahil walang perpektong estandard na maaaring gamiting batayan para sa ebalwasyon ng salin, wala ring halaga kung gayon ang pakikipagtalo kung tama ba o mali ang naging salin dahil ang bawat pagturing sa anumang produkto ng salin ay laging kabuhol ng kultura ng orihinal na teksto na kailangang i-negotiate sa kultura ng salin. Kung gayon, ano ang dapat maging batayan sa pagtukoy ng kaangkupan, o kawastuhan, at kabuluhan ng isang salin? IV. Kongklusyon Bilang konklusyon, ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika. Sa pamamagitan ng pagsasaling-wika lumalawak ang posibilidad ng isang globalisadong mundo. Naipapakilala sa isang kultura ang pamumuhay at konsepto ng ibang kultura ay binibigyan ng pakahulugan sa pamamagitan ng paglilipat ng isang tekstong nakasulat sa isang wika patungo sa ibang wika. Ito rin ang paglilipat ng mensahe mula sa isang code/ panahon ang ginagamit ng sinumang nagsasalita. Ang konseptong ito ay pinagtibay ni Roman Jacobson 1987).

V. Mga Sanggunian Raffel, Button. The Art of Translating Prose. Abbey Press: London 1988 https://www.docsity.com/en/technical-translation-revisiting-the-practice-and-essentials/ 2546175/ Radaza, Irah Nicole. Hakbang-hakbang na Yugto ng Pagsasaling Date Retrieved: February 21, 2020 Retrieved from https://www.slideshare.net/IrahNicoleRadaza/hakbang-hakbang-na-yugto-ng-pagsasalin? fbclid=IwAR2p5q9yZIS8I5Ahvu6e0SVHqfpW2pFwVI5OUqDWCy7LHgQ104h7NCS h5U ___________ ___________ Ebalwasyon sa Pagsasalin Date Retrieved: February 21, 2020 Retrieved from https://www.slideshare.net/frantine98/ebalwasyon-sa- pagsasalin2?fbclid=IwAR1lbygil45Tp9GihT- 6MxbZrNialo2xaFi88K6zKQ89XnLehVD41bHkU5M