Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Pagsubok sa Saling Wika, Study Guides, Projects, Research of English Language

Ang paksa na ito ay patungkol sa pagsubok sa salin bilang isang mahalagang hakbang sa proseso ng pagsasalin. Ang layunin ng pagsasalin ay maihatid ang orihinal na nakapaloob at hangarin ng mensahe sa teksto na isinasaalang-alang ang mga pagkakaiba ng kultura at rehiyonal sa pagitan ng pinaghanguan at target na wika. Ang isang problema na nakakaapekto sa pagsasalin ay ang problema sa pagtukoy kung ano ang isang kalidad ng pagsasalin. Sumasaklaw sa kalidad ng pagsasalin kung paano suriin at tasain

Typology: Study Guides, Projects, Research

2019/2020
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 05/30/2020

daryll-candia-official
daryll-candia-official 🇵🇭

4.8

(58)

25 documents

1 / 5

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Pagsubok sa Salin
I. Layunin
Pangunahing layunin ng pag-aaral ang matanto ang akademikong
kahusayan ng pagsasaling wika bilang kasanayang kinakailangang matamo ng
mga estudyante sa kolehiyo.
Tiyak na mga layunin ng pag-aaral ang mga sumusunod:
a.) naisaalang-alang at nagagamit ang mga pagsubok upang maisalin ng
mahusay at tiyak na mailalapat ang mensaheng nais ipahatid ng
pinaghanguan;
b.) nakapagpapahalaga sa mga alintuntunin sa pagsasalin gamit ang
nalalaman sa mga pagsubok at nagbibigay-pitagan sa awtor ng teksto ang
kawastuhan ng pagsasalin at,
c.) naisasagawa ang pagsasalin nang mapanuri, tumpak at magagamit ang
pagsubok sa salin upang maisalang-alang ang kawastuhan ng orihinal na
mensahe sa sasalinang wika.
II. Introduksyon
Ang paksa na ito ay patungkol sa pagsubok sa salin bilang isang mahalagang
hakbang sa proseso ng pagsasalin. Ang layunin ng pagsasalin ay maihatid ang orihinal na
nakapaloob at hangarin ng mensahe sa teksto na isinasaalang-alang ang mga pagkakaiba
ng kultura at rehiyonal sa pagitan ng pinaghanguan at target na wika. Ang isang problema
na nakakaapekto sa pagsasalin ay ang problema sa pagtukoy kung ano ang isang kalidad
ng pagsasalin. Sumasaklaw sa kalidad ng pagsasalin kung paano suriin at tasain ang
isinaling wika. Sa katanuyan hindi laging madali ang pagsusuri ng isang tagasalin at
mabigyang diin ang pananaw ng orihinal na dokumento ng awtor dahil kinakailangan
nitong panatilihin ang diwa. Ang kalidad ng pagsasalin ay may mga pamantayan na
sinusunod at tamang taluntunin ng proseso ng pagsasalin, kasama na dito ang pagsusuri
sa ginawang teksto upang ma-tsek ang ginawang salin. Ang layunin ng pagsubok sa salin
ay ang pagwawasto sa ginawang pagsasalin upang maiintindihan ng mambabasa at
mapanatili ang diwa ng orihinal na teksto. Layunin din ng papel na ito na ilahad ang mga
uri at hakbang ng pagsubok sa salin upang matiyak ng tagapagsalin na ang salitang
ginamit ay wasto at malinaw na ipinahayag ang mensahe.
pf3
pf4
pf5
Discount

On special offer

Partial preview of the text

Download Pagsubok sa Saling Wika and more Study Guides, Projects, Research English Language in PDF only on Docsity!

Pagsubok sa Salin

I. Layunin Pangunahing layunin ng pag-aaral ang matanto ang akademikong kahusayan ng pagsasaling wika bilang kasanayang kinakailangang matamo ng mga estudyante sa kolehiyo. Tiyak na mga layunin ng pag-aaral ang mga sumusunod: a.) naisaalang-alang at nagagamit ang mga pagsubok upang maisalin ng mahusay at tiyak na mailalapat ang mensaheng nais ipahatid ng pinaghanguan; b.) nakapagpapahalaga sa mga alintuntunin sa pagsasalin gamit ang nalalaman sa mga pagsubok at nagbibigay-pitagan sa awtor ng teksto ang kawastuhan ng pagsasalin at, c.) naisasagawa ang pagsasalin nang mapanuri, tumpak at magagamit ang pagsubok sa salin upang maisalang-alang ang kawastuhan ng orihinal na mensahe sa sasalinang wika. II. Introduksyon Ang paksa na ito ay patungkol sa pagsubok sa salin bilang isang mahalagang hakbang sa proseso ng pagsasalin. Ang layunin ng pagsasalin ay maihatid ang orihinal na nakapaloob at hangarin ng mensahe sa teksto na isinasaalang-alang ang mga pagkakaiba ng kultura at rehiyonal sa pagitan ng pinaghanguan at target na wika. Ang isang problema na nakakaapekto sa pagsasalin ay ang problema sa pagtukoy kung ano ang isang kalidad ng pagsasalin. Sumasaklaw sa kalidad ng pagsasalin kung paano suriin at tasain ang isinaling wika. Sa katanuyan hindi laging madali ang pagsusuri ng isang tagasalin at mabigyang diin ang pananaw ng orihinal na dokumento ng awtor dahil kinakailangan nitong panatilihin ang diwa. Ang kalidad ng pagsasalin ay may mga pamantayan na sinusunod at tamang taluntunin ng proseso ng pagsasalin, kasama na dito ang pagsusuri sa ginawang teksto upang ma-tsek ang ginawang salin. Ang layunin ng pagsubok sa salin ay ang pagwawasto sa ginawang pagsasalin upang maiintindihan ng mambabasa at mapanatili ang diwa ng orihinal na teksto. Layunin din ng papel na ito na ilahad ang mga uri at hakbang ng pagsubok sa salin upang matiyak ng tagapagsalin na ang salitang ginamit ay wasto at malinaw na ipinahayag ang mensahe.

III. Paksa Pagsubok sa Salin Ang pagsasalin ay ang proseso ng pagbabago ng mga salita ng isang wika sa ibang wika na may parehong kahulugan at diwa. Ayon kay Nida,E (1959), ang pagsasalin ay ang muling paglalahad sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika una’y batay sa kahulugan, at ikawaý batay sa istilo. Kinakailangan mapanatili nito ang diwa ng kabuuang teksto at ang istilo ng ginamit ng manunulat sa akda. Mahalaga para kay Goldhann, A. (2018) ang pagsasalin para sa paglaganap ng impormasyon, kaalaman, at mga ideya. Ito ay ganap na kinakailangan para sa epektibo at may simpatiyang komunikasyon sa pagitan ng iba't ibang kultura. Samakatuwid, ang pagsasalin ay makabuluhan para sa pagkakaisa at kapayapaan sa lipunan. Ang pagsubok sa salin ay ang pagsuri sa ginawang pagsasalin upang makita ang hindi pagkakaparehong mga salita, matiyak na ang wasto ang mga termino na ginamit, masuri ang pagbaybay at bantas, at matingnan para sa maraming mga puwang, pag- format ng mga kamalian, at paulit-ulit na mga salita upang matasa ang pagsasalin ng may kalidad. Tulad nalang ng isang salita o ang isang buong pangungusap, ito ay maaaring magkaroon ng maraming magkakaibang mga pagsasalin kaya kinakalingan piliin ang angkop at tamang pagkakahulugan sa salita. Tungkol sa ideyang ito, binibigyang diin ni Goff-Kfouri (2004) na ang mga tagasalin ay kailangang may kakayahan sa pagsusulat at mataya ang kaangkupan at kawastuhan ng isinalin. Tinawag ni Rahimi (2005) na ang pagsasalin at pagsubok bilang "kontrobersyal" at "mapaghamon" sa larangan ng pag-aaral ng wika dahil kinakailangan nitong maingat at masusing mailapat ang mga salita upang mailahad ang mensheng ipapahatid ng orihinal na akda. Ang pagsasalin ay karapatdapat na masiguro na ang akdang isinalin ay pare-pareho, magkakaugnay at tama ang pagbaybay at maayos na naipahayag ang mensahe upang matasa ito ng may kalidad. Uri ng Pagsubok Ito ay mga uri ng pagsubok na tumutulong upang maging maayos at tiyak ang pagsasalin at mailahad ng tama ang mensahe at impormasyon ng pinaghanguan.

1. Pansariling Subok Ang pansariling subok ay ang pagsusuri at pag-tsek sa sariling salin. Matapos isalin ang isang teksto kinakailangang basahin ang sariling pagsasalin at ihambing ito nang direkta sa orihinal na teksto ng pinaghanguan. Maaring may makakaligtaang salita at pagkakahulugan sa paglilipat ng wika

ay binibigyan ng mga puna at kadalasang nagtatanong ang mga eksperto para sa higit na ikakalinaw at ikawawasto ng salin. Ang kahalagahan ng eksperto sa pagsasalin ay ang pagkakaroon ng sistema para sa pagkilala at ipinamamahaging kaalaman ay tumpak at garantisadong may bisa ang impormasyong ipinapahayag.

3. Baliksalin Ang balik-salin ay ang paghahambing ng pagsasalin sa orihinal at sa isinaling teksto para sa kawastuhan at kalidad ng pagsasalin. Ang taong may bilingguwal na kakayahan na maisagawa ang baliksalin sa pinagmulang wika ng isinaling teksto ay isang paraan sa pagsubok ng salin. Ang taong magsasagawa nito ay walang alam sa pinaghanguang teksto at kinakailangan hindi pa ito nababasa ang akda. Isinusulat ng tagabaliksalin ang nakuhang diwa mula sa salin pabalik sa simulang wika. Ang balik-salin ay nakatutulong upang masuri ang pagkakapareho ng kahulugan sa pagitan ng pinagmulang wika at sa isinaling wika. Ang balik-salin ay hindi kailanman magiging tama at magkatulad ng orihinal na teksto ngunit makakatulong ito upang matukoy ang anumang mga pagkakamali, hindi malinaw o pagkalito na maaaring nanggaling mula sa pagkakaiba ng wika. Kadalasan, ang mga balik salin ay isinagawa nang literal hangga't maaari at tinitiyak ang isang tumpak na paglalarawan ng totoong kahulugan ng pagsasalin sa target na wika. Ang kahalagahan ng balik-salin ay ang pagtiyak sa wastong kahulugan ng teksto ay naipaparating. Nagdaragdagan din ito ng isang karagdagang antas ng pagsusuri sa pagkuha ng kalidad na pagsasalin sa dokumento. Ang balik- salin ay may tatlong hakbang bilang isang pamamaraan para sa kalidad na pagsasalin ay ang mga sumusunod:

  1. Pagsasalin sa isang kompletong isinaling wika pabalik sa orihinal na wika.
  2. Paghahambing ng bagong saling wika na ginawa ng tagabalik salin sa orihinal na teksto.
  3. Pagkakasundo ng anumang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa.

IV. Konklusyon Ang pagsasalin ay mahalaga sa iba’t ibang larangan, ito ay tagapaghatid ng kaalaman, mapangalagaan ang pamana sa kultura, at mahalaga sa pag-unlad ng isang pandaigdigang ekonomiya. Gayunpaman, ang pagsasalin ay isang kumplikadong proseso na nangangailangan ng pagsusuri sa orihinal na wika at target na wika upang mawastuhan ang ginawa. Hindi ito nangangailangan ng isang literal na pagsasalin ngunit kailangang maunawaan ng tagasalin ang konteksto ng dokumento upang maiparating nang maayos ang mensahe. Ang mga gawaing pagsasalin ay nangangailangan din ng karanasan at kadalubhasaan ng isang bihasang tagasalin upang maunawaan ang mga isyu sa gramatika at piliin ang tamang salita at idyoma na akma sa mambabasa. Ang tagasalin ay hindi lamang naghahatid ng nilalaman sa ibang wika ngunit kinakailangan nitong lawakan ang antas ng pag-unawa sa target na madla, kultura, at kung paano ipinapahayag at ginagamit ang impormasyon. V. Sanggunian Almario, A., Antonio, T., Batnag, A., Belvez, P., Catacataca, P., Cruz, A.C., Espiritu, C., Fortunato, T., Gugol, M.V., & Miclat, M. (2003). Patnubay sa Pagsasalin : Anvil Publishing, Inc. Delgado, Antonio. (2012). Pagsasaling Wika, date retrieved: February 22, 2020 Retrieved from https://www.slideshare.net/kazekage15/pagsasaling-wika Golavar, Ebrahim. (2012). Translators’ Performance on Translation Production Tests & Translation Multiple-Choice Tests, date retrieved: February 23, 2020 Retrieved from https://translationjournal.net/journal/59education.htm Goldhahn, Amber. (2018). The Importance of Translation Studies, date retrieved: February 24, 2019 Retrieved from http://blogs.exeter.ac.uk/translation/blog/2018/06/ /the-importance-of-translation-studies/ OneHourTranslation. (2017). Quality Assessment of Translations, date retrieved: February 24, 2020 Retrieved from https://www.onehourtranslation.com/translation /blog/quality-assessment-translations Post, Robert.(2013). Why Do We Need Experts?, date retrieved: February 26, 2020 Retrieved from https://insights.som.yale.edu/insights/why-do-we-need-experts