Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Pag-aaral sa Wikang Ilocano, Exercises of Ethnic Studies

A short study of Ilocano dialect.

Typology: Exercises

2020/2021
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 06/13/2021

van-dolph
van-dolph 🇵🇭

5

(2)

1 document

1 / 19

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Kabanata 1
Suliranin at Sanligan nito
Panimula
Ang wika ay isang uri ng instrumento upang lubusang maipahayag ng isang tao
ang kanyang isipan at damdamin. Sa pamamagitan ng wika ang isang tao ay maaaring
makapangatwiran, sumang-ayon tumanggi at makapagbigay ng kuro-kuro at kaalaman. Kung
nakararamdam ng tuwa, lungkot, galit o saya ang isang tao, siya ay maaaring makipag-ugnayan
sa pamamagitan ng wika. Maipapahayag niya ang kasalukuyang kinahaharap o mga
pangyayaring nagdaan. Ang isang bata ay nagsisimulang matutuo ng isang wika mula sa mga
tunog na kanyang naririnig, kung kaya’t ang wika ay napag-aaralan ( Bron 2000.pahina3.)
Nangangahulugan lamang ito na sadyang napakahalaga ng wika sa buhay ng tao. Sa
pamamagitan ng wika ay naihahayag ng isang tao ang kanyang saloobin.
Ang wika ang siyang nagsisilbing daan upang ang mga tao ay magkaunawaan kung
kaya’t kung wala ito hindi na nakapagtataka kung lagi na lamang may gulo sa kapaligiran.
Maaaring magkagulo dahil sa hindi pagkakaunawaan. Isang malimit na lamang na pagkakataon
ang paaralan sa ganitong uri ng interaksyon. Mula sa apat na sulok ng silid, dito naisasagawa ng
pagtuturo-pagkakatuto ng guro at mag-aaral. Malaking bagay ang wika para sa pagkakaunawaan
ng nais ng saloobin.
Ang wika ang nagbibigay ng identidad sa kultura’t kasaysayan ng isang lugar na
kinabibilangan ng mga tao. Wika ang nagsisilbing instrument sa pang-araw araw na
komunikasyon. Kung wala ang wika, walang kaisahan ang mga tao.
Ayon kay Dr. Constantino, isang dalubwikang Pilipino, nasa higit isandaang (100)
wikain ang matatagpuan sa Pilipinas. Ang mga pangunahing wika ay ang mga sumusunod:
Tagalog, Waray, Ilokano, Kapampangan, Cebuano, Hiligaynon, Bicolano, at Pangasinense.
Ang wikang Ilokano ang pagtutuonan ng pansin ng pag-aaral na ito. Ito ang Lingua
Franca ng halos kabuuan ng Hilagang Luzon, lalo na sa rehiyon ng Ilocos, Lambak ng Cagayan,
at sa bahagi ng Abra at Pangasinan.
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
Discount

On special offer

Partial preview of the text

Download Pag-aaral sa Wikang Ilocano and more Exercises Ethnic Studies in PDF only on Docsity!

Kabanata 1 Suliranin at Sanligan nito Panimula Ang wika ay isang uri ng instrumento upang lubusang maipahayag ng isang tao ang kanyang isipan at damdamin. Sa pamamagitan ng wika ang isang tao ay maaaring makapangatwiran, sumang-ayon tumanggi at makapagbigay ng kuro-kuro at kaalaman. Kung nakararamdam ng tuwa, lungkot, galit o saya ang isang tao, siya ay maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng wika. Maipapahayag niya ang kasalukuyang kinahaharap o mga pangyayaring nagdaan. Ang isang bata ay nagsisimulang matutuo ng isang wika mula sa mga tunog na kanyang naririnig, kung kaya’t ang wika ay napag-aaralan ( Bron 2000.pahina3.) Nangangahulugan lamang ito na sadyang napakahalaga ng wika sa buhay ng tao. Sa pamamagitan ng wika ay naihahayag ng isang tao ang kanyang saloobin. Ang wika ang siyang nagsisilbing daan upang ang mga tao ay magkaunawaan kung kaya’t kung wala ito hindi na nakapagtataka kung lagi na lamang may gulo sa kapaligiran. Maaaring magkagulo dahil sa hindi pagkakaunawaan. Isang malimit na lamang na pagkakataon ang paaralan sa ganitong uri ng interaksyon. Mula sa apat na sulok ng silid, dito naisasagawa ng pagtuturo-pagkakatuto ng guro at mag-aaral. Malaking bagay ang wika para sa pagkakaunawaan ng nais ng saloobin. Ang wika ang nagbibigay ng identidad sa kultura’t kasaysayan ng isang lugar na kinabibilangan ng mga tao. Wika ang nagsisilbing instrument sa pang-araw araw na komunikasyon. Kung wala ang wika, walang kaisahan ang mga tao. Ayon kay Dr. Constantino, isang dalubwikang Pilipino, nasa higit isandaang (100) wikain ang matatagpuan sa Pilipinas. Ang mga pangunahing wika ay ang mga sumusunod: Tagalog, Waray, Ilokano, Kapampangan, Cebuano, Hiligaynon, Bicolano, at Pangasinense. Ang wikang Ilokano ang pagtutuonan ng pansin ng pag-aaral na ito. Ito ang Lingua Franca ng halos kabuuan ng Hilagang Luzon, lalo na sa rehiyon ng Ilocos, Lambak ng Cagayan, at sa bahagi ng Abra at Pangasinan.

Sa loob ng libu-libong taon, sinasabi ng mga eksperto na ang wikang Ilokano ay may kompletong bokabularyo ay gramatika bago pa man dumating ang mga dayuhan, ngunit ito’y naglaho sapagkat mas makapangyarihan parin ang mga wikang banyaga. Hindi na gumanap pa ng opisyal na papel sa larangan ng edukasyon ang nasabing wika kung kaya’t hindi na ito napag- aralan pa. Pokus ng pag-aaral na ito ang sintaksis ng Ilokano. Ang sintaksis ay ang pag-aaral sa pag- uugnay ng mga salita upang makabuo ng isang pangungusap. Sa pag-susuring ito nararapat lamang na magkaroon ng sapat na kaalaman ang mananaliksik hinggil sa nasabing wika. Balangkas Teoritikal Ang pag-aaral na ito ay nakaangkla sa teoryang kognitibo. Ayon sa pananaw ng teoryang ito, ang pagkatuto ng wika ay isang prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay nangangailangang mag-isip at gawing may saysay ang bagong tanggap na impormasyon, alamin ang pumapailalim na tuntunin at mailapat ang mga ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Naniniwala ang mananliksik na makakatulong ang teoryang ito sa kasalukuyang pag- aaral sapagkat ipinapaliwanag ng teoryang ito kung paano nabubuo ang mga pangungusap ng wikang Ilokano. Ang saykolinggwistik naman ay isang pag-aaral na nagpapakita ng napakaraming konsepto na nag-aanalisa ng mga istruktura ng tunog, istruktura ng mga salita, at istruktura ng mga pangungusap, lahat ng ito'y may malaking ginagampanan sa pagpuproseso ng lenguahe. Subalitm ang pagpuproseso ng lenguahe ay kailanganmaunawaan kung paano ang mga nabanggit na konsepto ay mag-uugnay sa sa iba pang aspeto ng pangpuproseso ng tao para nang sa gayon ay makagawa ng lenguahe at upang ito'y maintindihan. Nauugnay ito sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat pasok dito ang proseso ng pagbuo ng mga pangungusap ng wikang Ilokano. Balangkas Konseptwal

Ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng kaalaman sa mga mag-aaral kung sakaling ninanais nilang matutonan ang wikang Ilokano at kung paano nabubuo ang mga pangungusap nito. Ang ng pag-aaral na ito ay maaaring maging batayan ng mga guro sap ag-unawa at pagsuri ng sintaksis na napaloob sa dalawang wikang kasangkot sa pag-aaral at kung sakaling ninanais nila itong ituro sa mga mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong at magsisilbing gabay sa mga taong pursigidong pag-aralan ang sintaksis ng isang wika na kung saan ito ay makadagdag sa paggawa ng isang pag-aaral sa wika. Katuturan ng Terminolohiya Ang Filipino ay ang pambansang wika ng Pilipinas ayon sa Artikulo XIV seksiyon VI. Ang Ilokano ay isang pangkating etniko na matatagpuan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra, Cagayan, Pangasinan, at iba pang bahagi ng rehiyon ng Ilocos. Ito rin ay tumutukoy sa wika ng mga taong naninirahan sa mga nabanggit na lugar. Ang Lingua Franca ay tumutukoy sa wikang ginagamit ng mga tao mula sa iba’t ibang grupong etnolinggwistiko. Ang pangungusap ay kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ang sintaksis ay ang pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang makabuo ng mga parirala, sugnay, at pangungusap. Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsama-sama ng mga ito para magkaunawaan ang isang grupo ng mga tao. Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang at naglalayong suriin ang sintaksis ng wikang Ilokano. Ang mananaliksik ay gagamit ng sampung (10) pangungusap ayon sa anyo nito na siyang pagtutuonan ng pansin sa pag-aaral. Susubukan ding ihambing ang sintaksis ng wikang Ilokano sa sintaksis ng wikang Filipino.

Saklaw nito ang tatlong (3) impormante na Ilokano ang pangunahing wika na may edad tatlumpo (30) pataas at may sapat na kaalaman sa nasabing wika. Ang nasabing pag-aaral ay isinasagawa sa taong 2019. Kabanata II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na literature at mga pag-aaral na mula sa mga aklat, journal, websites, nalathala at di-nalathalang tesis at iba pang lathalain na nagbibigay ng mga impormasyong nagamit ng mananaliksik na may kaugnay sa nasabing paksa. Mga Kaugnay na Literatura Ayon kay Edward Sapir (1949), ang wika ay isang pamamaraanng pakikipag-unawan o pakikipagbatiran na ang ginagamit ay mga tunog na binibigkas. Dahil sa tunog na binibigkas ang tao ay makapaghatid ng kanilang niloloob sa kanilang kapwa tao. Ito rin ay isang paraan na magkaunawaan ang isa’t-isa. Ang wika rin ay nilikha ng tao upang maipahayag at maipaunawa ang kahulugan ng mga bagay-bagay sa kanyang sarili at sa kapwa. Dahil sa wika ang tao ay nakapagpapahayag ng kaniyang niloloob at nagkakaunawaan ang kapwa tao. Ang gusting ipahayag sa kapwa ay naipapahayag ng maayos at naibabahagi ito sa nakapaligid nito, Ayon sa Magasing diwa (1965), ang wika ay isang pamamaraang ginagamit sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Ang wika ay may dalawang paraan upang ipahayag ito ang pagsasalita na palaging ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa kapwa. Ang pagsulat naman ay paraan din ng wika sa paglalahad o pagpapabatid ng nadarama, damdamin, at kaisipan isa na ang halimbawa nito ay ang pagsulat ng bayaning si Dr. Jose Rizal upang ipahayag ang nais iparating sa mga mananakop. Ayon kay Loida V. Bautista (1978) ang wika ay isang bagay na lubhang pinag-uukulan ng pansin ng mga taong gumagamit nito. Marahil ganito nga ang palagay ng halos lahat ng tao sapagkat mula pa sa pagsilang ay taglay na nito ito, kaya’t hindi inusisa ang pinagmulan at kasaysayan nito.

sa Filipino. Kapansin pansin na ang wikang Ilokano ay may mga determiner, adjectives, na nahihiwalay mula sa pangngalan. Ang pag-aaral ni Cortez ay may kaugnay sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat pareho sila ng layunin na suriin ang sintaksis ng wikang Ilokano. May mga pangungusap sa wikang Ilokano na nabubuo sa pamamagitan ng pagdugtong ng panghalip sa mga salita na hindi na nilalagyan ng mga determiner o pangatnig. Ang pag-aaral na may pamagat na “Isang Pagdadalumat sa Morpolohikal at Istruktural na Katangian ng mga Piling Wika sa Pilipinas” nina Manalang E. et, al (2018) ay natuklasan na may gamit ding pluralization ang mga Ilokano katulad ng salitang “dagiti” na ang katumbas ay “ang mga” at “ado” na ang katumbas ay “marami”. Sa pagbuo ng pangungusap may relasyong sintaktiko (S-P, P-S) na sinusunod ang mga Ilokano. May gamit ding mga panghalip ang mga Ilokano tulad ng “ka”, “ta”, “ti”, at” yak”. May pang-angkop din silang ginamit sa mga pangungusap kagaya na lamang ng “nga” na tinutumbasan sa Filipino ng “g”, “ng”, at “na”. Ayon naman sa pag-aaral nina Bacaling A. et, al (2017) na pinamagatang “Isang Pag- aaral sa Ugnayan ng Wikang Espanyol, Filipino at Kinagisnang Diyalektong Cebuano sa Sisters of Mary School- Boystown sa Taong 2017” ay natukalasang sa kabuuan na may pagpapalit, pagdadagdag, pagkakaltas, at paraan ng pagbigkas ang nangyayari sa pagsasalin ng mga salita sa ibang wika o diyalekto. May kaugnay ito sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat kasali sa pag-aaral ang pagsasaling wika. Isinalin ang mga pangungusap mula sa wikang Ilokano tungo sa wikang Filipino. Sa pagsasalin sa ibang wika, may mga ponemang nakakaltas at nadagdag. Malaki ang pagkakatulad ng isinagawang pagsusuri ni Casumpang (2014). Sa kanyang pagsusuri, pinaghambing niya ang kayarian, paraan ng pagkakagamit at mga dalang kahulugan ng paglalapi sa iba’t ibang wika.

Kabanata III METODOLOHIYA Ang kabanatang ito ay naglalahad ng pamamaraan ginamit sa pananaliksik, lugar ng pinag-aralan, ang mga impormante, paraan ng sampling, ang mga pinagkunan ng datos, ang instrumentong ginamit, at kaparaanan ng pananaliksik. Pamamaraang Ginamit Ginamit sa pag-aaaral na ito ang pamaraang palarawan o diskriptib sa pag-uri at pag- analisa ng mga datos. Ito ay isang kwalitatibong pananaliksik na kung saan sinusiring maigi kung paano nabubuo ang mga pangungusap na napaloob sa wikang Ilokano. Lugar ng Pinag-aralan Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa Purok 2 Picanan Kumalarang Zamboanga del Sur, ang pumapangalawang Barangay ng Kumalarang na tinitirahan ng mga Ilokano. Ang mga Impormante Ang mga napiling impormante sa pag-aaral na ito ay tatlong (3) tao na Ilokano ang pangunahing wika at may sapat at bihasa sa pag-oorganisa ng pangungusap. Tiniyak ng mananaliksik na ang impormante ay nabibilang lamang sa lugar ng pinag-aralan. Paraan ng Sampling Ang mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling sapagkat sinisiguro na ang mga impormante ay isang Ilokano na may edad tatlumpo (30) pataas at may sapat ng kaalaman sa kanilang wika.

Kabanta IV Paglalahad, Pagsusuri, at Interpretasyon ng mga Datos Inilahad sa kabanatang ito ang mga datos na sinuri at binigyang kahulugan upang mabigyang kasagutan ang mga sumusunod na suliranin.

  1. Ano-ano ang mga anyo ng pangungusap ng wikang Ilokano?
  2. Sa anong paraan nabubuo ang pangungusap ng wikang Ilokano?
  3. Ano ang pagkakaiba ng sintaksis ng wikang Ilokano at Filipino?
  4. Ang mga anyo ng pangungusap ng wikang Ilokano. Ang mga sumusunod na talahanayan ay ang mga anyo ng pangungusap ng wikang Ilokano. Talahanayan 1.1 Mga pangungusap na patanong. Ilokano Filipino Ania ti nagan mo? Ano ang pangalan mo? Mano tawen mo? Ilang taon ka na? Sadinno ka papanaedam? Saan ka nakatira? Ania ti orasen? Anong oras na? Ania ti ramidam? Anong ginagawa mo? Asinno isuna? Sino siya? Ania ti kayat mo nga kanen? Ano ang gusto mong kainin?

Sadinno ka papanam? Saan ka pupunta? Apay agsangsangit ka? Bakit ka umiiyak? Ania kadi ti marikriknam? Kumusta na ang pakirandam mo? Makikita sa unang talahanayan ang mga pangungusap na patanong ng wikang Ilokano na isinalin sa wikang Filipino. Halimbawa nalang ay ang ania ti nagan mo? na nangangahulugang ano ang pangalan mo?; mano tawen mo? na nangangahulugang ilang taon kana?; sadinno ka papanaedam? na nangangahulugang saan ka nakatira?; ania ti orasen? na nangangahulugang anong oras na?; ania ti ramidam na nangangahulugang anong ginagawa mo?; asinno isuna? na nangangahulugang sino siya?; ania ti kayat mo nga kanen? na nangangahulugang ano ang gusto mong kainin?; sadinno ka papanam? na nangangahulugang saan ka pupunta?; apay agsangsangit ka? na nangangahulugang bakit ka umiiyak?; ania ti kadi marikriknam? na nangangahulugang kumusta na ang pakiramdam mo? sa wikang Filipino. Talahanayan 1.2 Mga pangungusap na pasalaysay. Ilokano Filipino Remedios ti naganko. Ang pangalan ko ay Remedios. Walopulo ti tawenna. Siya ay walumpung taong gulang. Taga Ilocos isuna. Siya ay nakatira sa Ilocos. Alas otso iti bigat. Alas otso ng umaga. Pilipinoak. Ako ay Pilipino. Pilipino ka. Ikaw ay Pilipino. Nataalgedka. Ligtas ka na. Naimas iti sada. Masarap ang ulam. Gayyem ko ni Alex. Si Alex ang kaibigan ko. Napintas ti babai. Ang babae ay maganda. Makikita sa pangalawang talahanayan ang mga pangungusap na patanong ng wikang Ilokano na isinalin sa wikang Filipino. Gaya ng Remedios ti naganko na nangangahulugang ang pangalan ko ay Remedios; walopulo ti tawenna na nangangahulugang siya ay walumpung taong gulang; taga Ilocos isuna na nangangahulugang siya ay nakatira sa Ilocos; alas otso iti bigat na

Ilokano Filipino Napintasen! Ang ganda! Hala ne! Ad-da agpudot. Hala! May nagsusunog! Nagpangso ka! Ang pangit mo! Nagbayag ka! Ang bagal mo! Ay-ayaten ka! Mahal kita! Ukkinanam Putang ina mo! Agsardeng ka! Tumigil ka! Tulongannak! Tulongan niyo ako! Ulitem dayta! Ulitin mo! Nainasen! Nakakainis talaga! Makikita sa pang-apat na talahanayan ang mga pangungusap na padamdam ng wikang Ilokano na isinalin sa wikang Filipino. Halimbawa nito ay ang napintasen! na nangangahulugang ang ganda!; hala ne! Ad-da agpudot! na nangangahulugang hala! may nagsusunog!; nagpangso ka! na nangangahulugang ang pangit mo!; nagbayag ka! na nangangahulugang ang bagal mo!; ay-ayaten ka! na nangangahulugang mahal kita!; ukkinanam! na nangangahulugang putang ina mo!; agsardeng ka! na nangangahulugang tumigil ka!; tulongannak na nangangahulugang tulongan niyo ako!; ulitem dayta! na nangangahulugang ulitin mo!; at nainasen! na nangangahulugang nakakainis talaga! sa wikang Filipino.

  1. Sa anong paraan nabubuo ang pangungusap sa wikang Ilokano? May sinusunod na pattern ang wikang Ilokano sa pagbuo ng pangungusap. Ayon sa kaugalian, nauuna ang panaguri bago ang paksa (Predicate + Subject). Taga Ilocos isuna. Siya ay nakatira sa Ilocos. Nagpangso ka! Ang pangit mo! Nagbayag ka! Ang bagal mo! Ay-ayaten ka! Mahal kita!

Agsardeng ka! Tumigil ka! Umali kan. Umalis ka na. May pagkakataon ring nauuna ang simuno sa panaguri. Nagyayari lamang ito kapag ang simuno ay isang pangngalang pantangi. Sumusunod ito sa pattern na simuno (pangngalang pantangi) + determiner (ti/iti) + panaguri. Remedios ti naganko. Ang pangalan ko ay Remedios. May mga pangungusap ring ginagamitan ng determiner. Nangyayari lamang ito kapag ang panaguri ay mga pandiwa pang-abay o pang-uri. Nauuna ang panaguri kasunod ang determiner (ti/iti at ni) bago ang simuno (predicate + determiner + subject). Alas otso iti bigat. Alas otso ng umaga. Naimas iti sada. Masarap ang ulam. Napintas ti babai. Ang babae ay maganda. Ala-em ti bag ko. Kunin mo ang bag ko. Aglinis kan ti balay. Maglinis kana ng bahay. Aramidem mun ti proyektom. Gawin mo na ang iyon proyekto. Lumagto ka ti sangpulo. Tumalon ka ng sampung beses. Agsukat ka iti napintas. Magbihis ka ng maganda. Agagis ka ti rupam. Maghilamos ka ng mukha. Gagamitin lamang ang determiner na “ni” kapag ang simuno ay isang pangngalang pantangi. Gayyem ko ni Alex. Si Alex ang kaibigan ko. Sa anyong patanong, gagamit lamang ng determiner kapag ang tanong ay “ania” o “ano” sa Filipino.

Nainasen! Nakakainis talaga! Kapag ang panghalip maliban sa “ikaw” ay nasa hulihan ng pangungusap ito ay kinakaltasan ng isang ponema at magiging hulapi nito sa sinusundang salita. Tulad ng panghalip na isuna (siya) kinakaltas ang ponemang “isu” sabay idudugtong ang natirang ponema sa sinundan nitong salita. Halimbawa, walopulo ti tawenna, ang panlaping isuna ay idinugtong sa salitang tawen (edad). Ganon din ang iba pang panlapi maliba sa “ikaw”. Nabubuo ang pangungusap ng wikang Ilokano sa tulong ng mga determiner, pagkakabit ng mga panghalip sa hulihan ng salita, at may mga pangungusap ding nabubuo sa pamamagitan ng pagpapalit o pagkakaltas ng ponema at kinakabitan ng mga panlapi o di kaya’y panghalip.

  1. Ano ang kaibahan ng sintaksis ng wikang Ilokano sa Filipino? Ang pattern ng pangungusap ng Ilokano ay kahalintulad ng Filipino, na, baligtad. Ngunit kapansinpansin parin ang kanilang pagkakaiba gaya ng mga sumusunod: Linking Verb. Sa Ilokano, walang linking verb. Ang pangngalan (o pang-uri) na ginagamit upang mailarawan ang paksa ay isang panaguri mismo. Ang wikang Ilokano ay gumagamit ng determiner na sa halip ay linking verb. Salita bilang pangungusap. Ang isang salita sa Ilokano ay maaaring magpahayag ng isang buong pangungusap. Kapag ang paksa ng isang pangungusap ay isang panghalip, ito idinugtong sa dulo ng predicate e.g, Maestro-ak (ako isang guro). Panghalip Gumagamit ang Ilokano ng maraming prefix at mga suffix kapag itinatayo ang mga pangngalan, pandiwa at pang-uri. Ang Taga- (tao mula sa) ay isang panghalip na maaaring ma- attach sa anumang pangalan ng lugar. Ito bumubuo ng isa pang pangngalan. Ang Ag- ay isang panghalip na bumubuo ng mga pandiwa. Maaari itong i-attach sa mga salitang-ugat tulad ng takder (tumayo) upang mabuo ang agtakber (upang makatayo), Agtakderka! (Tayo!). Maaari din

itong mai-attach sa sapatos (sapatos), upang mabuo ang agsapatos (upang magsuot ng sapatos), Agsapatoska! (Maglagay ka ng sapatos). Ayon sa obserbasyon ng mananaliksik naiiba ang sintaksis ng wikang Ilokano at Filipino sapagkat ang pangungusap ng wikang Ilokano ay nabubuo lamang sa pamamagitan ng pagkabit ng mga panghalip sa hulian ng mga salita, karaniwan ring nauuna ang panaguri kaysa sa paksa, at hindi ito ginagamitan ng pangatnig sa pag-uugnay ng mga salita. Samantalang ang sa Filipino naman ay may gramatikang sinusunod, ang mga pangungusap nito ay ginagamitan ng mga pangatnig sa pag-uugnay ng mga salita at higit sa lahat hindi ito nabubuo sa tulong lamang ng mga panghalip. Kabanata V MGA NATUKLASAN, MGA KONKLUSYON, AT MGA REKOMENDASYON Saklaw sa kabanatang ito ang mga natuklasan sa pagsusuri, mga nabuong konklusyon batay sa nabuong natuklasan at mga rekomendasyon batay sa nabuong konklusyon. Mga Natuklasan Batay sa mga impormasyon nakalap, natuklasan ng mananaliksik ang mga sumusunod: Ang pattern ng pangungusap ng Ilokano ay kahalintulad sa Filipino, na, baliktad. Ayon sa kaugalian, ang predicate (pangunahing pandiwa at iba pang mga sugnay) ay nauuna bago ang paksa. Ang mga pandiwa, pang-abay, pang-uri at panlapi ay maaari ring mauna bago ang paksa. Sa kaibahan sa Filipino, bihira lamang gumamit ng pandiwa bilang isang paksa ang wikang Ilokano. Sa mga pangungusap na pautos, ang mga pandiwa sa magkakaibang pokus ay unang sinundan ng mga panghalip, (nagsisilbing panlapi) mga determiner at pangngalan. Sa patanong na pangungusap, ang wikang Ilokano ay sumusunod sa parehong pattern, tulad ng sa "Nangankan?" (Kumain na ba kayo?) At ang parse ay Verb + kan (panghalip), mula sa "ka", at ang suffix na "n", na nagsasaad ng direksyon. Bukod dito, ang mga panghalip ay hindi naisulat, hindi katulad sa Filipino: siya, siya, ito. Ang panghalip na “isuna” ay maaaring maging isang lalaki o isang babae.

  1. Ang mga datos ng pag-aaral na ito ay mas mainam kung susuriing muli ng mga linggwistika o eksperto sa pag-aaral ng wika.