Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Noli Me Tangere Script, Papers of Literature

It is a script about the novel Noli Me Tangere.

Typology: Papers

2022/2023
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 09/06/2023

paulyne-ferrer
paulyne-ferrer 🇵🇭

1 document

1 / 11

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
NOLI ME TANGERE
(Script Kabanata 40-52)
KABANATA 40: KARAPATAN AT LAKAS
(Sa isang malaking entablado, may nagaganap na palabas at si Don Filipo angnamamahala. Maliwanag ang gabi dahil
ito’y naliliwanaganng Luses de Bengala na siyangnagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad.)
Tasyo: Ano ang nangyari sa iyong pagbibitiw bilang Tinyinte Mayor?
Don Filipo: Tinanong niya ako kung wala daw ba akong kakayahang tumupad sa akingtungkulin..Walang nagawa ang
pakiusap ko sa kanya sapagkat pag-uusapan na lang daw itopagkatapos ng piyesta.
(Natigil ang kanilang pag-uusap dahil biglang dumating si Maria Clara kasama ang kanyangmga kaibigang dalaga at
sumunod na dumating ang kura, isang Pransiskano at ilang Kastila.Sila ay inakay ng Don sa kanilang mga upuan.Nasa
harapan at nakaupo ang may matataas na tungkulin. Nagsimula na ang palabas sapag kanta nina Chananay at Marianito
ng Crispino dela Comare. Ang lahat ay nanonood ngpalabras maliban kay Padre Salvi na laging nakatitig kay Maria.
Dumating si Crisostomo Ibarra na siyang dahilan ng bulung-bulungan. Hindiiyon pinansin ngbinata at sa halip ay
malugod na binate ang kasintahan at ang mga kasamahan nito.)
Padre Salvi: (lumapit kay Don Filipo) Nais kong paalisin mo ngayon din si Crisostomo Ibarra.
Don Filipo: Dinaramdam ko pong hindi ko magagawa ang inyong ipinag-uutos. Si Ginoong Crisostomo po ay nag-abuloy
ng malaking halaga at may karapatan siyang manatili dito sapagkathindi naman siya nanggugulo.
Padre Salvi: Hindi ba’t isang kasamaan ang saktan ang isang mabuting Kristiyano? Pananagutanninyo ang bagay na ito sa
harap ng Diyos?
Don Filipo: Pananagutan kop o ang mga bagay na may sarili akong kapasyahan. Hindi naman ponamimilit si si Ginoong
Crisostomo na makipag-usp kaninuman kaya’t maaari siyang layuanngmga taong may ayaw sa kanya.
Padre Salvi: Sia’y isang taong mapanganib.
Don Filipo: Sa akin pong kaalaman, siya’y kausap ng Kapitan Heneral at alkalde sa buongmaghapon kaya wala kayong
dapat ipangamba sakanya.
Padre Salvi: Kung ganoon ay kami na lamang ang aalis..Umalis ang kura at ang mga kasama nito. At ilang saglit pa ay
may mga taong lumapit kayIbarra.
Tao: Kami po ay kapanalig ninyo kahit sinabi nilang kayo’y kanilang itinakwil..Napansin ni Ibarra na marami ang
naktingin sa kanya. Nagtakip ng mukha si Maria gamit angabaniko dahil nahiya sa kausap ni Ibarra.
Ibarra: (lumapit sa mga dalaga) Ako’y magpapaalam muna ng ilang sandal sapagkat mayroon akong nakaligtaang usapan
Sinang: Sasayaw si Yeyeng ng La Calandria. Magaling siyang sumayaw kaya huwag ka munangumalis.
Ibarra: Pangako, ako ay babalik agad.Lalong tumindi ang bulungan sa paligid habang papalayo si Crisostomo.
Dalawang guwardiya sibil: (lumapit kay Don Filipo) Ipinatitigil po ang palabas dahil hindi po raw makatulog sa ingay
ang alperes at si Donya Consolacion./
KABANATA 41: ANG DALAWANG PANAUHIN0
Utusan: Ginoong Ibarra may magsasaka pong naghahanap sa inyo.
Ibarra: Papasukin mo.
(papasok si Elias)
Elias: Ipagpaumanhin ninyong abalahin ko kayo
Ibarra: Ano nga ba ang iyong pakay Elias?
Elias: Nais ko lamang ipabatid sa inyo na magtutungo ako ng Batangas at isa pa nais kong ipabatid na may sakit si Maria
Clara pero hindi naman ito kalubhaan.
Ibarra: Maraming salamat kaibigan hangad ko ang iyong kaligtasan sa paglalakbay.
Ibarra: Kung iyong mamarapatin ay nais ko kayong tanungin. Paano ninyo napahinto ang kaguluhan sa liwasan?
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
Discount

On special offer

Partial preview of the text

Download Noli Me Tangere Script and more Papers Literature in PDF only on Docsity!

NOLI ME TANGERE

(Script Kabanata 40-52) KABANATA 40: KARAPATAN AT LAKAS (Sa isang malaking entablado, may nagaganap na palabas at si Don Filipo angnamamahala. Maliwanag ang gabi dahil ito’y naliliwanaganng Luses de Bengala na siyangnagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad.) Tasyo: Ano ang nangyari sa iyong pagbibitiw bilang Tinyinte Mayor? Don Filipo: Tinanong niya ako kung wala daw ba akong kakayahang tumupad sa akingtungkulin..Walang nagawa ang pakiusap ko sa kanya sapagkat pag-uusapan na lang daw itopagkatapos ng piyesta. (Natigil ang kanilang pag-uusap dahil biglang dumating si Maria Clara kasama ang kanyangmga kaibigang dalaga at sumunod na dumating ang kura, isang Pransiskano at ilang Kastila.Sila ay inakay ng Don sa kanilang mga upuan.Nasa harapan at nakaupo ang may matataas na tungkulin. Nagsimula na ang palabas sapag kanta nina Chananay at Marianito ng Crispino dela Comare. Ang lahat ay nanonood ngpalabras maliban kay Padre Salvi na laging nakatitig kay Maria. Dumating si Crisostomo Ibarra na siyang dahilan ng bulung-bulungan. Hindiiyon pinansin ngbinata at sa halip ay malugod na binate ang kasintahan at ang mga kasamahan nito.) Padre Salvi: (lumapit kay Don Filipo) Nais kong paalisin mo ngayon din si Crisostomo Ibarra. Don Filipo: Dinaramdam ko pong hindi ko magagawa ang inyong ipinag-uutos. Si Ginoong Crisostomo po ay nag-abuloy ng malaking halaga at may karapatan siyang manatili dito sapagkathindi naman siya nanggugulo. Padre Salvi: Hindi ba’t isang kasamaan ang saktan ang isang mabuting Kristiyano? Pananagutanninyo ang bagay na ito sa harap ng Diyos? Don Filipo: Pananagutan kop o ang mga bagay na may sarili akong kapasyahan. Hindi naman ponamimilit si si Ginoong Crisostomo na makipag-usp kaninuman kaya’t maaari siyang layuanngmga taong may ayaw sa kanya. Padre Salvi: Sia’y isang taong mapanganib. Don Filipo: Sa akin pong kaalaman, siya’y kausap ng Kapitan Heneral at alkalde sa buongmaghapon kaya wala kayong dapat ipangamba sakanya. Padre Salvi: Kung ganoon ay kami na lamang ang aalis..Umalis ang kura at ang mga kasama nito. At ilang saglit pa ay may mga taong lumapit kayIbarra. Tao: Kami po ay kapanalig ninyo kahit sinabi nilang kayo’y kanilang itinakwil..Napansin ni Ibarra na marami ang naktingin sa kanya. Nagtakip ng mukha si Maria gamit angabaniko dahil nahiya sa kausap ni Ibarra. Ibarra: (lumapit sa mga dalaga) Ako’y magpapaalam muna ng ilang sandal sapagkat mayroon akong nakaligtaang usapan Sinang: Sasayaw si Yeyeng ng La Calandria. Magaling siyang sumayaw kaya huwag ka munangumalis. Ibarra: Pangako, ako ay babalik agad.Lalong tumindi ang bulungan sa paligid habang papalayo si Crisostomo. Dalawang guwardiya sibil: (lumapit kay Don Filipo) Ipinatitigil po ang palabas dahil hindi po raw makatulog sa ingay ang alperes at si Donya Consolacion. KABANATA 41: ANG DALAWANG PANAUHIN Utusan: Ginoong Ibarra may magsasaka pong naghahanap sa inyo. Ibarra: Papasukin mo. (papasok si Elias) Elias: Ipagpaumanhin ninyong abalahin ko kayo Ibarra: Ano nga ba ang iyong pakay Elias? Elias: Nais ko lamang ipabatid sa inyo na magtutungo ako ng Batangas at isa pa nais kong ipabatid na may sakit si Maria Clara pero hindi naman ito kalubhaan. Ibarra: Maraming salamat kaibigan hangad ko ang iyong kaligtasan sa paglalakbay. Ibarra: Kung iyong mamarapatin ay nais ko kayong tanungin. Paano ninyo napahinto ang kaguluhan sa liwasan?

Ibarra: Maraming salamat kaibigan hangad ko ang iyong kaligtasan sa paglalakbay. Ibarra: Kung iyong mamarapatin ay nais ko kayong tanungin. Paano ninyo napahinto ang kaguluhan sa liwasan? Elias: Ang mga ito ay ang magkapatid na ang ama ay namatay sa palo ng mga gwardiya sibil. Minsan ko nang nailigtas ang buhay nila kaya’t tumanaw sila saakin ng utang na loob kagabi sa pamamagitan ng pagtugon sa aking pakiusap. Ibarra: Ano ang nangyari sa magkapatid bakit mo sila iniligtas? Elias: Papatayin din sila ng mga guwardiya sibil na pumaslang sa kanilang ama. (aalis na si Elias) (Mag-isang nakaupo si Crisostomo) Ibarra: Si Maria, ako, ako ang dahilan kaya siya nagkasakit. Lucas: Ginoong Ibarra ako po si Lucas, ang kapatid ng lalaking namatay kahapon. Ibarra: Nakikiramay po ako. Lucas: Gusto ko po sanang malaman kung magkano ang ibabayad sa akin para sa pagkamatay ng aking kapatid. Ibarra: Ibabayad? Nagmamadali ako maaari bang balikan na lamang ako para pag-usapan ang bagay na iyan? Lucas: Sabihin mo na lamang kung magkano ang ibabayad ninyo. Ibarra: Hindi niyo ba lubusang nauunawaan? Wala akong oras na pag-usapan iyan ngayon sapagkat may dadalawin akong may sakit kaya’t bumalik na lamang kayo mamayang hapon. Lucas: May oras kayo sa may sakit ngunit sa isang patay ay wala? Dahil ba kami’y mahirap lang kaya ganito ang pakikitungo ninyo saamin? (Tatalikuran ni Ibarra si Lucas) Lucas: Apo ka nga talaga ng lalaking nagpabilad sa init ng aking ama. Pareho ang paraan ninyo ng pakikitungo. Lisa ang dugong nananalaytay sa inyong ugat. (ngingiti si Lucas) Lucas: Subalit kung mahusay ka sanang magbayad, magiging mabuti tayo magkaibigan. KABANATA 42: ANG MAG-ASAWANG DE ESPADANYA Tiya Isabel: Alin nga ba ang mas mabuting bigyan ng donasyon ang krus sa tunasan na lumaki o ang krus sa matahong na nagpapawis? Tiyago: Mas mabuti sigurong pareho nating limusan para walang maghinanakit at upang gumaling agad si Maria Clara. Tiyago: Nako! Pupunta pala diba dito ngayon si Donya Espadanya. Kailangan nating ayusin ang silid ni Maria. (May karwaheng hihinto sa harap ng bahay nina Kapitan Tiyago at lalabas si Donya Victorina) Donya Victorina: Ipinakikilala ko ang aking pinsan na si don alfonso de linares, siya’y kamag-anak ni Padre Damaso at tanging kalihim ng mga kagawad ng espanya. (Papasok na sa loob si victorina at ihahatid sila ni tiyago sa kanilang silid) (Sa kwarto ni Maria) Donya Victorina: Maswerte kayo don Santiago, hindi basta may sakit lang ang tinitignan ng asawa ko. Namimili siya ng ginagamot na kastila kaya’t magpasalamat kayo. (Sinuri ni Tiburcio si Maria) Tiburcio: May… may sakit ngunit mapapagaling. Tiburcio: Sa umaga ay liquen at gatas, jarabe de altea at dalawang pildoras de cinaglosa. (papasok si Padre Salvi) Padre Salvi: Ginoong Linares, dumating na si Padre Damaso.

Linares: Saan siya lilipat? Padre Salvi: Sa Tayabas. Tiyago: Mabuti nga ang hindi pagbibigay ng pahintulot na makausap ni Maria si Crisostomo. Baka lalo pang lumubha ang sakit niya kung nangyari iyon. (Tatapunan ni Padre Salvi si Kapitan Tiyago ng makahulugang tingin) Padre Salvi: Mabuti nalang at nangupisal si Maria. Victorina: Mahusay ang aking asawa. Kung hindi dahil sa kanya ay nasa langit na si Clarita. Pasalamat kayot wala siyang ibang pasyente na higit na mas marangal sa inyo kung hindi’y mapipilitan kayong magpatawag ng ibang doktor. Padre Salvi: Malaki ang aking paniniwala na Malaki ang kinalaman ng pangungumpisal ni maria clara sa kanyang dagliang paggaling. Hindi na tinatawaran ko ang kakayahan ng isang doktor subalit ayon sa banal na aklat maraming napagaling ang mabuting pangungumpisal. Victorina: Ipagpatawad ninyo ang aking sasabihin, ngunit bakit hindi ninyo gamitin sa asawa ng alperes ang pangungumpisal upang siya’y gumaling. Padre Salvi: Ginang, ang sugat ay walang kaugnayan sa sakit ng budhi. Ang kumpisal ay makapagliligtas ng isang makasalanan gaya ng alperes. Kung nakapangumpisal siya’y nakaligtas na sana siya sa pambubugbog ng alperes. Victorina: Mabuti dahil walang hiya ang babaeng ‘yon! (Haharap si Padre Salvi kanila Kapitan Tiago at Isabel) Padre Salvi: Ibig kong mangumpisal muli si maria clara para tuluyan na siyang gumaling. Bibigyan ko siya ng viatico (Sa kwarto ni Maria Clara) Sinang: Ititigil ko lamang daw ang pagbibigay ng tabletang ‘to sakaling makaramdam ka ng pamimingi. Maria Clara: Hindi pa ba ako sinulatang muli? Sinang: Hindi pa. Maria Clara: Marahil ay abala siya upang mabigyan ng kapatawaran ng arsobispo sa kanyang excomunion. KABANATA 45: ANG MGA PINAG-UUSIG (Naglalakad ng banayad ang isang lalaki sa loob ng kagubatan sa tanglaw ng malamlam na buwan na lumalagos sa mga siwang ng malalabay na punong kahoy.) Lalaki: Kayo po ba si Elias? Sumunod kayo sakin. ( Nakarating sila sa yungib na natatanglawan ng sulok. Tanging apoy ang nagsisilbing liwanag dito. May namalas si Elias na labindalawang sandatahang lalaki. Nakita niya rito ang isang matandang lalaki at ang ulo nito ay nababalutan ng panyong may dugo. Ang siko ay nakapatong sa hapag at anyong nalulungkot.) Matandang lalaki: Oo. May anim na buwan lamang ang nakakaraan nang ikaw ay pinatuloy ko sa aking bahay at ako ay naawa sa inyo, ngayon ay nagbago ng kapalaran. Ikaw naman ang nahahabag sa akin. Maupo ka at sabihin mo ang iyong sadya. Elias: Ako po’y naparito upang ialok sa inyo ang isang bagay. Ang balak ko po’y magtungo sa dakong hilaga at makipamuhay sa malalayang liping di binyagan sapagkat wala akong matagpuang isa man lamang na kaanak ng mga nagbigay kasawian sa aking pamilya. Sumama kayo sa akin, ituring ninyo akong tunay na anak at kayo’y aariin kong ama sapagkat kapwa tayo sawi at wala ni isa mang nalalabing kamag-anak. Matandang lalaki: Bakit pa ako magpapakadusta sa ibang lupain? Ano ang dahilan ng ganito kong pamumuhay na tulad ng isang halimaw na pinag-uusig? Isang sugo ng Diyos sa lupa ang naglugso ng puri ng anak kong babae. Nagsiyasat ang dalawa kong anak na lalaki sa nangyaring kabuktutan, ngunit akong amang matanda na’y natutong magpatawad. Pagkatapos ay nagkaroon ng nakawan sa kumbento at ang isang anak ko’y isinuplong. Ang isa’y hindi nadamay sapagkat wala siya noon sa bayan. Ang anak ko’y ibinitin sa kanyang buhok at narinig ko ang kanyang mga sigaw, ang kanyang mga daing, at pagtawag sa kanyang ama ngunit naging duwag ako, sapagkat nasanay ako sa buhay na tahimik. Elias: May katwiran kayong maghiganti, katulad ninyo ako at dahil sa ayaw kong makasugat ng walang-sala ay nilimot ko ang aking kasawian. Matandang lalaki: Maaari ka pang makalimot sapagkat bata ka pa at hindi nawawalan ng huling pag-asa, ako’y asahan ninyong hindi papatay ng walang-sala. Elias: Ginoo ako’y nakapalad na makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, at nagmamahal sa kanyang bayan. Siya’y may lakas sapagkat kaibigan siya ng Kapitan Heneral. Kung sakaling siya’y pumayag sa atin ay hindi ba kayo sasang-ayong siya’y papagdalhin ng karaingan ng bayan upang tayong mga aba’y lingapin?

Matandang lalaki: Mayaman ang wika mo? Ang mayayaman ay walang naiisip kundi ang magpayaman. Iya’y alam ko sapagkat ako’y naging mayaman! Elias: Siya po’y iba, siya’y isang anak na nagdaramdam sa pagkadusta sa kanyang ama. Siya’y malapit nang mag-asawa kaya’t isang magandang bukas ang ilalaan niya sa kanyang magiging anak. Matandang lalaki: Sakali mang pumayag siya at makarating sa Kapitan Heneral ang ating mga daing at ipalagay na nating siya’y makatagpo sa Madrid ng mga kinatawang magtatanggol sa atin, sa palagay mo kaya’y pakikinggan ang ating mga karaingan? Elias: Subukin po muna natin bago tayo gumawa ng isang bagay na magiging dahilan ng pagdanak ng maraming dugo. Ang binata’y niyakap ng matanda Matandang lalaki: Ikaw na ang bahalang magsabi ng ating mga daing. Kailan ko malalaman ang sagot? Elias: Sa ikaapat na araw ay patunguhin ninyo sa baybayin ng San Diego ang isa ninyong tauhan at sasabihin ko sa kanya ang sagot. Kung siya ay sasang-ayon ay magtatamo tayo ng katarungan, at kung hindi, ako ang unang kasama ninyong maghahandog ng buhay sa pakikilaban. KABANATA 46: ANG SABUNGAN Kapitan Basilio: Ano bang manok ang dala ni Kapitan Tiyago? Lalaki: Kanina’y tumanggap siya ng dalawang sasabungin at ang isa’y lasak. Kapitan Basilio: Mailalaban ko kaya ang aking manok na bulik. (Papasok sa sabungan si Kapitan Tiyago kasa ang dalawang alalay at may dalang isang lasak na manok at malaking putting tinali) Kapitan Basilio: Naibalita saakin ni Sinang na nasa maayos nang kalagayan si Mari Clara. Kapitan Tiyago: Wala na siyang lagnat ngunit nanghihina pa. (Lalapit si Bruno kay Lucas) Bruno: Wala na kaming pera kaya hindi na kami makakapusta. Pero di ba kilala mo kami? Baka maaari ninyo kaming pahirain kahit konti. Lucas: Ikaw si Bruno at ang kapatid mo ay si Tarsilo. Anak kayo ng pinatay ng gwardiya sibil sa palo. Batid kong wala kayong balak maghiganti. Tarsilo: Hindi niyo na dapat pakialaman ang bagay na yan dahil ang pakikialam ay nakamamatay. Kung wala sana kaming kapatid na babae, matagal na rin kaming nabitay. Lucas: Duwag lamang ang nabibitay. Iyong mga lakas at salapi. Bruno: Pautangin niyo na kami kahit bente pesos at ibabalik naming sa dobleng halaga. Lucas: Hindi akin ang perang ito kundi kay Don Crisostomo Ibarra. Ipinagkakaloob niya ito sa mga taong handang maglingkod sa kanya. Kung hindi niyo kayang ipaghiganti ang inyong ama ay hindi ko ito maibibigay sa inyo. Bruno: Sige. Wala namang pinagkaiba ang mamatay sa bitay at mamatay sa baril. Tarsilo: Tama na. (magsasabong na malungkot si Bruno dahil hindi sila nakapusta) Tarsilo: Gusto mo ba talagang pumusta? (tatango si Bruno) Tarsilo: Hindi kaya maging kaawa-awa ang kapatid nating babae? Bruno: Kay Don Crisostomo galing ang pera, di ba kaibigan siya ng kapitan heneral? Anong ikinakatakot natin? (lalapit sila kay Bruno) Tarsilo: Pumapayag na kami sa gusto mo. Lucas: Sige. Bruno: Magkano ang ibibigay saamin? Lucas: Kung makakahanap pa kayo ng ibang kasama upang sumalakay ay bibigyan ko kayo ng tigtatlongpung piso at sampu naman sa bawat kasama. Kung magtagumpay ang pagsalakay ay tatanggap ng gantimpalang tig-isang daang piso buhat kay Don Crisostomo at sa inyo naman ay doble. Alam niyo namang mayaman si Don Crisostomo. Bruno: Sang-ayon ako.

Maria: Sinang, maaari mo ba akong samahan sa aking silid? (tatayo si Sinang at magtutungo na sila sa silid ni Maria Clara) (nakahanda na ang mga maleta ng mag-asawa) Victorina: Dalawang libo lahat ang kailangan ninyong ibayad para sa serbisyo ng asawa ko. Tiyago: (ibibigay sa kanila ang pera) (umalis na ang mag-asawa sakay ng kalesa at naiwan naman doon sa bahay nina kapitan Tiyago si Linares) KABANATA 48: ANG PALAISIPAN (Dumating si Ibarra kinabukasan.Una niyang sinadya ang bahay ni kapitan Tiago upang ibalitang hindi na siya eksomulgado. Taglay niya ang isang liham ng arsobispo sa kura. Si kapitan Tiago’y wala noon sa bahay. Pinatuloy siya ni Tiya Isabel kasabay ng pagsasabi sa pamangking pinatawad na ang binata ng arsobispo.Masayang masaya si tiya Isabel sapagkat ang binata ang nais nitong mapangasawa ng pamangking si Maria Clara at hindi ang kastilang si Linares. ) (Dinatnan ni Crisostomo ang kasintahan sa balkon na bisita si Linares. Naumid ang dila ng binata sa pagkabigla. May hawak na abaniko si Maria Clara habang si Linares ay nagkukumpol ng mga bulaklak.Namukla si Linares nang makita si Ibarra samantalang pinamulahan ng mukha si Maria Clara. ) Ibarra: Kadarating ko lamang at labis akong nag aalala saiyong kalagayan. Magaling ka na pala. (hindi nakasagot si maria Clara at halipay itinungo ang ulo) Ibarra: Ipagpatawad mong dumating ako nang walang pasabi. Maaari koitong maipaliwanag sa ibang araw, sa pagkikita nating muli. (Tinignan ni Maria si Ibarra na waring humihingi ng paumanhin.) Ibarra: Maari ba akong pumunta bukas? Maria Clara: Ang aming tahanan ay laging bukas para sa iyo. (Umalis si Ibarra ng waring dinudurog ang puso. Gulong gulo ang isip niya na napadpad ang mga paa sa ipinagawang paaralan.Binati siya ni Nol Juan at mga manggagawang dinatnan doon.) Nol Juan: Mabuti’t dumating na kayo. Pagmasdan ninyo ang pagkakayari ng pader na mahigit sa isang metro ang taas. Mga dalawang araw pa ay pantay tao na ang taas niyan. Ibig po ba ninyong makita ang mga natapos na namin sa ilalim ng palapag? (Sumagot si Ginoong Ibarra) Ibarra: Ibig kong ipabatid ninyo na wala na kayong dapat ipangamba sa pagkausap sa akin. Nakasalo ko na sa pagkain ang arsobispo at ako’y pinatawad na. Hindi na ako eksomulgado. Nol Juan: Hindi po namin iniintindi ang ekskomunyon sapagkat lahat kami’y ekskomulgado na. (Nakita ni Ibarra si Elias na kasama ang mga manggagawa. Yumukod ito na nagpapahiwatig na may nais sabihin. Inutusan ni ibarra si Nol Juan na kunin ang listahan ng mga manggagawa.) Ibarra: Gusto kong makita ang listahan ng mga manggagawa. (Nilapitan ni Ibarra si Elias na nag isang nagkakarga ng bato sa isang kariton.) Elias: Nais ko po sanang makausap kayo nang ilang oras.Tumungo kayo mamayang hapon sa tabi ng lawa at lumulan sa aking bangka. May mahalagang bagay akong sasabihin sa inyo. (Matapos ang pag uusap nina Ibarra at Elias ay lumapit naman si Nol Juan dala dala niya ang talaan ng mga manggagawa o listahan ng taong nagtatrabaho para sa pagpapatayo ng paaralan.Hinanap ni Ibarra ang pangalan ni Elias.) Kabanata 49- Tinig ng Pinag-uusig Ibarra: Ano po ba ang sasabihin ninyo sa akin? Elias: Ginoo, ako po’y tagapagdala ng maraming hangarin ng sawimpalad. Ibarra: Ang sawimpalad? Ibarra: Kung gayon, ang hinihiling ay ganap na pagbabago.

Elias: Sa paanong paraan? Ang kaunting paggalang sa karangalan ng tao sa kapanatagan ng mamamayan, ang pagbabawas sa paggamit ng lakas at ng mga kawal sandatahan, pagbabawas din sa kapangyarihang bigay sa hukbong ito na madaling pagbubuhatan ng kasagwaan. Ibarra: Elias, hindi ko alam kung sino kayo ngunit alam kong hindi kayo pangkaraniwang tao. Ang inyong isipan ay hindi katulad sa iba. Nauunawaan ninyo ako kapag sinabi kong ang kasalukuyang kalagayan ng mga bagay-bagay ditto sa atin. Maaring makipag-usap ako sa Kapitan Heneral subalit wala silang magagawa, kahit na ang mataas na punong ito, dahil wala silang gaanong kapangyarihan upang magpasok ng gayong pagbabago. Maging ako man sa ganang akin ay hindi rin makagagawa ng anumang hakbang na nauukol ditto. Ngayon ko napag-isip-isip, ang korporasyong iyan, bagamat may kasiraan, siya’y kailangan sa ngayon. Sila ang tinatawag na masamang kailangan. Elias: (gulat na gulat) (nanginginig ang tinig) Naniniwala ba kayo na kailangang gumawa ng masama upang makagawa ng mabuti? Ibarra: Hindi po ako naniniwala sa isang marahas na lunas na ating ginagamit kapag gusto nilang mapagaling ang sakit. Elias: Sa ngayon, ang ating lupain ay isang lipunang may maluwatang sakit, at upang magamot ang pamahalaan ay nangangailangan ng mga paraang marahas ngunit kapaki-pakinabang. Itinuturing ko pong masamang manggagamot ang isang manggagamot ang isang walang sinisikap kung hindi sugpuin at lapatan ng lunas ang tanda ng mga sakit, Hindi po kaya dapat ay palakasin ang katawang may-sakit at bawasan ang karahasan ng gamot? Ibarra: Ang pagbabawas sa lakas ng guwardya sibil ay ilalagay sa panganib ang kapanatagan ng bayan. Elias: Maglalabinlimang taon na ngayon na may gwardya sibil sa baying ito, at nakita naman ninyo na hanggang ngayon ay mayroon pa in tayong mga tulisan. Mayroon din tayong naririnig na niananakawan ang bayan at may mga nanghaharang sa lansangan. Ang nakawan ay nagpapatuloy. Ang kasamaan ay naririyan at malayang nakakalaya ang tunay na salarin. Ibarra: Ako po ay sang-ayon sa mga kabuktutan. Ibarra: Ginugulo ninyo ang isipan ko. Ipalalagay ko na kayo’y may katwiran. Subalit alamin ninyo ang isang bagay at ito’y huwag ninyong daramdamin, sapagkat kayo’y itatanggi ko at ituturing na kataliwasan. Tingnan ninyo kung sino ang humihingi ng mga pagbabago. Halos lahat ay mga salarin. Elias: Sila’y mga salairin, sapagkat ang kanilang katahimikan ay kanilang binabagabag. Ibarra: Ano na nga ang kanilang hinihingi? Elias: Ang pamamalakad ng mga prayle. Ang sawimpalad ay humihingi ng lalo pang malaking tangkilik laban sa mga prayle. Laban sa ang- aapi sa kanila, ginoo. Ibarra: Nakalimot na kaya ang di- matutumbasang utang na loob ng Pilipinas sa korporasyon ng mga prayle? Elias: (gulat na gulat, halos di makapaniwala) Ginoo, sinasabi po ba ninyo na walang utang na loob ang mga mamamayan? Elias: Nung tayo’y nasakop ng mga misyonero, ano ang nangyari sa lupaing ito? Ibarra: Ngunit pinaniniwalaan din po ba ninyo na dahil sa mga prayle ay mapapamalagi ang kapanatagan ng bayan? Elias: Opo, dahil ito ang paniniwala ng lahat ng tao sa Pilipinas. Hindi ko po akalaing magkakaroon kayo ng ganyang napakaabang palagay ukol sa pamahalaan at bayan. Isang bayan sumusunod pagkat dinaraya, at isang pamahalaan na kaya nakapag-uutos ay dahil na rin sa pandaraya. Patawarin ninyo ako ginoo. Pero may palagay akong ang pamahalaan ang mang mang at imbi sapagkat ikinasisiya ang gayon. Pinasasalamatan ko po ang inyong kagandahang-loob. Saan ko po kayo ihahatid? Ibarra: Huwag po. Kailangang magpatuloy tayo ng pagtatalo upang malaman kung sino ang may katwiran. Elias: Ipagpatawad po ninyo. Hindi po ako mahusay manalita upang kayo’y mapaniwala ko. Kung ako man ay nakapag- aral ng kaunti, ako naman ay isang Indio. Ang aking pagkatao ay kahina-hinala, ganon din ang aking pangungusap. Ako ngayon ay nag-aalinlangan na sa aking mga sariling pananalig at naniniwalang maaai ngang namamali. Aking sasabihin sa mga sawimpalad na ang pagbibigay- tiwala sa mga tao ay ilipat na sa Diyos. Muli pinasasalamatan ko kayo at sabihin ninyo kung saan ko kayo ihahatid. Ibarra: Elias, ang inyong pangungusap ay umabot sa aking puso at nagbibigay sa akin ng alinlangan. Hindi ako nakapag- aral sa piling ng ating bayan. Ako’y sa kolehiyo ng mga Jesuita nag-aral ng elementarya. Ako’y sa Europa lumaki. Sa mga aklat ko hinubog ang aking pag- iisip. Gayunman, tulad ninyo ay iniibig ko ang aking bayan. Utang ko sa kanya ang aking kaligayahan. Elias: At ako naman, utang ko’y aking kasawian. Ibarra: Opo kaibigan, alam kong kayo’y nagtitiis dahil kayo’y sawimpalad, at dahil dito’y madilim ang inyong nakikita sa hinaharap. Elias: Pero ang kasawian ko po ay may ibang patlang. Padre Salvi: Ngayon ay aking napagtanto na si Ibarra ay isang binatang nakalulugod. Noon una, ang totoo ay hindi maganda ang naging palagay ko sa kanya. Siya’y may kapusukan, ngunit siya usapan pero hindi halata) Linares: At si Padre Damaso po? Padre Salvi: (nakatingin pa rin kay Ma. Clara) Opo, si Padre Damaso ay nagsabi na hindi niya papayagang… dahil sa ninong siya sa binyag ni Ma. Clara. Datapuwat iniisip kong maayos ang lahat kung si Ginoong Ibarra ay hihingi ng patawad sa kanya.

Elias: Limutin niyo na ako at huwag pansinin saan mang lugar magtagpo. KABANATA 51: PAGBABAGO Matinding balisa ang nararamdaman ni Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya Victorina. Ganito ang saad sa liham: Mahal kong Pinsan, Sa loob ng tatlong araw ay ibig kong malaman kung kayo ay nagtuos ng alpares. Sakaling natapos na ang taning na ito at hindi mo pa siya nahaharapan ay ipababatid ko na kay kapitan Tiago na ikaw ay hindi totoong nakakasalamuha sa mga kasiyahan ni Heneral Arsenio Martinez at hindi mo kailanman naging kabiruan si Canovas. Malalaman nilang hindi ka naging kalihim ninuman. Ibubunyag ko kay Clarita ang iyong lihim at ibibigay ko basta kalabanin mo ang alperes. Ipagkakaloob ko sa iyo ang lahat ng iyong pangangailangan sa oras na sundin mo ako. Wala akong tatanggaping dahilan o paghingi ng anumang paumanhin mula sa iyo. Ang pinsan mong nagmamahal sa iyo nang buong puso, Victorina delos Reyes de Espadana Sampaloc , Lunes ika-7 ng gabi (Nalalaman ni Linares na hindi nagbibiro si Donya Victorina. Walang nalalabing paraan kundi hamunin ang Alpares.) (Sabi ni Linares sa kanyang sarili..) Linares: Ngunit papaano? Kung ako’y pagsalitaan ng Alpares? Kung ang Alperesa ang aking matagpuan? Sino ang papayag na maging padrino ko? Ang kura? Si Kapitan Tiago? Kasumpa-sumpang sandali ang pagsunod ko sa kanyang payo. Sino ang nag-utos sa aking magpalalo at magsinugaling? Ano ang magiging palagay sa akin ni Clarita? Padre Salvi: Nag iisa ka? Nasaan si Don Santiago? (Dinatnan siya ni Padre Salvi sa ganitong pagmumuni. Mapapansin sa labi ni Padre Salvi ang isang mahiwagang ngiti. Matapos batiin si Linares ay tinanong niya si kapitan Tiago. Si Don Santiago’y dumating,humalik sa kamay ng pari, at inabot ang baston at sumbrero nang nakangiti rin. Ibinalita ni Padre Salvi na siya’y tumanggap ng liham sa Maynila, liham na nagpapatunay na si Ibarra ay pinatawad na.) Padre Salvi: Wala na ngayong sagabal. (Narinig ni Maria Clara ang pag- uusap nina kapitan Tiago at Padre Salvi. Nagnais tumindig ang dalaga ngunit muling napaupo. Si Linares naman ay namutla sa kanyang narinig.) Padre Salvi: Ngayon ko nakilalang si G. Ibarra ay mabuting binata kaya lamang pabigla-bigla kumilos ngunit mabilis magpuno sa kanyang pagkukulang. Kung ‘di lamang dahil kay Padre Damaso… Kapitan Tiago: Paano kung hindi mapatawad ni padre Damaso si Ibarra? Padre Salvi: Kung gayo’y si Maria Clara na ang bahala. Si Padre Damaso ay kanyang kompesor, kaya’t sila’y magkaunawaan. (Nang mga sandaling iyon ay dumating si Ibarra kasunod ni Tiya Isabel. Binati niya si Ibarra kasunod ni Tiya Isabel. Binati niya si Kapitan Tiago at sumunod kay Linares. Sinalubong siya ni Padre Salvi at siya’y buong lugod na kinamayan. Nagtaka si Ibarra.) Padre Salvi: Huwag kayong magulat, ngayon lamang ay pinupuri ko kayo. (Lumapit si Ibarra kay Sinang. Maya-maya dinala niya si Sinang sa sulok ng salas at doon sila nag-usap.) Ibarra: Nagagalit ba sa akin si Maria? Sinang: Aywan ko, ngunit siyang umiiyak at ang sabi’y limutin mo na siya. Ang nais ni Kapitan Tiago at ni Padre Damaso’y ipapakasal siya kay Linares. Ayaw ni Maria. Nang Sabihin kong baka ikaw ay may ibang nililigawan ay sinagot niya ako ng lalong mabuti at saka umiyak! Ibarra: Pakisabi mong gusto ko siyang makausap nang sarilinan. Sinang: Bukas ay magtungo ka sa amin nang maaga ngunit sabihin mo sa akin ang lihim. KABANATA 52: BARAHA NG MGA PATAY (Madilim ang gabi at nakakubli ang buwan sa ulap. Malamig ang ihip ng hangin na nagpapahiwatig ng pagdating ng buwan ng Disyembre. Nangangalaglagang mga tuyong dahon at at napapalis ang alikabok sa makipot na daang patungo sa sementeryo.)

(May Tatlong anino na paanas na nag-uusap sa pintuan ng sementeryo. Itananong ng isa kung nakausap na si Elias.) (Unang anino: Pedro, Pangalawang anino: Tarsilo, Ikatlong anino: Bruno) Pedro: Nakausap mo ba si Elias? Bruno: Hindi, kasama natin siya sapagkat may utang na loob siya kay G. Ibarra. Pedro: Sumama ako sapagkat ang asawa ko’y ipinagamot ni G. Ibarra sa Maynila. Sasalakay ako sa kumbento upang makaganti sa kura. Bruno: Sasalakay naman kami sa kwartel upang masabing ang aming ama’y may anak na lalaki. Tarsilo: Lima kaming sasalakay, sapat na ito. Ang wika ni G. Ibarra ay dalawampu raw kami. (Natigil ang pag uusap nang narinig may silang dumarating. Nabanaagan nilaang panggigilid ng isang anino sa bakod at sa likod nito. May nakita pasilang isang aninong sumusunod. Nang makarating sa pinto,ang anino ay sinalubong ng tatlong anino.) Pedro: Maghiwalay tayo sapagkat ako’y sinusundan.Tanggapin ninyo bukas ang mga sandata, at sa gabi ang paglusob. Ang isisigaw ninyo’y: “Mabuhay si G Ibarra” Lumakad na kayo. (Ang tatlonganino ay nawala sa likod ng mgfa pader. Ang bagongf dating ay naghintay naman sa sulok ng pintuan. Umaambon kaya’t ang ikalawang anino ay sumilong sa pintuan at nagkita sila ng bagong dating.) (nagsalita si Elias) Elias: Ano ang hinihintay ninyo rito? Lucas: Hinihintay kong sumapit ang ikawalo ng gabi upang makakuha ng baraha ng patay. Ang nais ko’y manalo ng kuwalta ngayong gabi. At kayo, ano ang inyong layon? Elias: A! gayon din. Lucas: Mabuti at magkakaroon ako ng kasama. Pagtugtog ng ikawalo ay maglalagay ako. Ang gumalaw ng baraha’y siyang baraha ng mga patay, at dapat na agawin sa pamamagitan ng tayaan. Kayo ba’y may dalang baraha? (Naalala ng una na ang mga patay ay hindi nakikipagsugal sa dalawa. Napagkayarian nilang sila muna ang magsusugalupang malaman kung sino ang dapat umalis.) (Pumasok angdalawa sat naupo sa isang nitso. Ang unang dating ay nagkiskis ng posporo at sila’y nagkatinginan. Ngunit ang kanilang mukha’y nagpapahayag na hindi sila magkakilala. Ang huling dumating ay si elias at ang una ay si Lucas.) (Sa pamamagitan ng sunod-sunod na kiskis ng posporo ay naglagay si lucas at si elias namanb ay tumaya. Si elias ay tumaya sa kabayo, ngunit ang nabunot ay alas. Natalo si Elias.) Lucas: Natalo kayo. Ngayo’y iwan na ninyo ako upang makapaghanapbuhay na mag isa. (Dalawang guwardya sibil ang naglalakad sa may tabi ng simbahan ng gabing iyon. Nag uusap ang dalawa sa paghuli kay Elias.) (Nakasalubong nila si lucas at pinatigil.) Guwardya sibil: Nakita mo ba si Elias? Lucas: Hindi po, hindi ko po siya kilala. Guwardya sibil: Sulong, hangal! (Ilang sandali pa at dumating naman si Elias. Dinala ito ng mga guwardiya sibil sa maliwanag upang kilalanin.) Guwardya sibil: San ka pupunta? Elias: Hinahabol ko po ang lalaking may pilat sa mukha. Siya si Elias na bumugbog sa aking kapatid. (Nagmamadaling tumakbo ang dalawang sibil patungong kumbento upang hulihin si Elias.)