Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Mga Paraan sa Pagsasalin, Study Guides, Projects, Research of Legal English

Ang pagsasalin ay hindi madaling gawain. Maraming mga hakbang o mga proseso sinusunod dito. Napakahaba ng proseso kaya naman ay kinakailangang alam ng isang tao kung ano ang mga paraan sa pagsasalin. Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa mga paraan ng pananaliksik. Iba-iba man ang mga paraan ng pagsasalin ay mahalaga pa rin na matutunan nila ang mga tamang gamit o ang tiyak na gamit ng mga ito sapagkat magagamit ang mga ito para malaman kung gaano na kahaba ang nalakbay ng pagbabago sa lipunan,

Typology: Study Guides, Projects, Research

2019/2020
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 05/30/2020

daryll-candia-official
daryll-candia-official 🇵🇭

4.8

(58)

25 documents

1 / 6

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Mga Paraan ng Pagsasalin
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo ang mga
tiyak na layunin sa pag-aaral ang mga sumusunod:
a.) natutukoy ang iba-ibang paraan ng pagsasalin at ang mga tiyak na gamit o
kaangkupan ng bawat paraan;
b.) napahahalagahan ang angkop na gamit ng mga paraang ito para sa
mabisang pagsasalin sa isang teksto o pahayag; at
c.) nakagagawa ng isang sariling salin sa mga teksto at pahayag na may
kinalaman sa pag-aaral.
II. Introduksyon
Ang pagsasalin ay hindi madaling gawain. Maraming mga hakbang o mga
proseso sinusunod dito. Napakahaba ng proseso kaya naman ay
kinakailangang alam ng isang tao kung ano ang mga paraan sa pagsasalin.
Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa mga paraan ng pananaliksik. Iba-iba man
ang mga paraan ng pagsasalin ay mahalaga pa rin na matutunan nila ang mga
tamang gamit o ang tiyak na gamit ng mga ito sapagkat magagamit ang mga
ito para malaman kung gaano na kahaba ang nalakbay ng pagbabago sa
lipunan, lalong lalo na sa kaunlaran ng wikang Filipino na kung saan ay
mabalik-tanaw ang kahapon o ang mga nakaraang mga salita na nahiram pa sa
mga sinaunang tao sa mundo o mga katutubo at siyembre pati na rin sa mga
wikang ginagamit noon sa panahon ng pananakop ng mga dayuhan sa bansa
na kung saan ay nagbigay daan na rin sa pag-unlad bilang isang tao at
komunidad.
III. Nilalaman
Mga Paraan ng Pagsasalin
Iba’t – iba ang paraan ng pagsasalin at may tiyak na gamit o kaangkupan ang
bawat paraan. Pinangkat ni Newmark sa dalawa ang walong metodo. Ang
unang pangkat ay nagbibigay-diin sa simulaang lengguwahe. Ang ikalawang
pangkat ay nakatuon sa tunguhang lengguwahe. (Tingnan sa dayagram na
hugis V.)
pf3
pf4
pf5
Discount

On special offer

Partial preview of the text

Download Mga Paraan sa Pagsasalin and more Study Guides, Projects, Research Legal English in PDF only on Docsity!

Mga Paraan ng Pagsasalin

I. Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo ang mga tiyak na layunin sa pag-aaral ang mga sumusunod: a.) natutukoy ang iba-ibang paraan ng pagsasalin at ang mga tiyak na gamit o kaangkupan ng bawat paraan; b.) napahahalagahan ang angkop na gamit ng mga paraang ito para sa mabisang pagsasalin sa isang teksto o pahayag; at c.) nakagagawa ng isang sariling salin sa mga teksto at pahayag na may kinalaman sa pag-aaral. II. Introduksyon Ang pagsasalin ay hindi madaling gawain. Maraming mga hakbang o mga proseso sinusunod dito. Napakahaba ng proseso kaya naman ay kinakailangang alam ng isang tao kung ano ang mga paraan sa pagsasalin. Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa mga paraan ng pananaliksik. Iba-iba man ang mga paraan ng pagsasalin ay mahalaga pa rin na matutunan nila ang mga tamang gamit o ang tiyak na gamit ng mga ito sapagkat magagamit ang mga ito para malaman kung gaano na kahaba ang nalakbay ng pagbabago sa lipunan, lalong lalo na sa kaunlaran ng wikang Filipino na kung saan ay mabalik-tanaw ang kahapon o ang mga nakaraang mga salita na nahiram pa sa mga sinaunang tao sa mundo o mga katutubo at siyembre pati na rin sa mga wikang ginagamit noon sa panahon ng pananakop ng mga dayuhan sa bansa na kung saan ay nagbigay daan na rin sa pag-unlad bilang isang tao at komunidad. III. Nilalaman Mga Paraan ng Pagsasalin Iba’t – iba ang paraan ng pagsasalin at may tiyak na gamit o kaangkupan ang bawat paraan. Pinangkat ni Newmark sa dalawa ang walong metodo. Ang unang pangkat ay nagbibigay-diin sa simulaang lengguwahe. Ang ikalawang pangkat ay nakatuon sa tunguhang lengguwahe. (Tingnan sa dayagram na hugis V.)

DIING Pang-SL DIING Pang-TL Sansalita-bawat-sansalita Adaptasyon Literal Malaya Matapat Idyomatiko Semantiko Komunikatibo Mapapansin sa dayagram na hugis V na pinakamalayo sa isa’t isa ang sansalita-bawat-sansalita at ang adaptasyon, gayong magkasalubong naman sa gitna ang pagsasaling semantiko at ang pagsasaling komunikatibo. Unawain ang sumusunod na katangian ng bawat isa.

1. Sansalita bawat sansalita. Ito ay tinatawag sa IIngles na word-for-word translation. Isa-sa-isang pagtutumbas ng kahulugan ng salita. Malimit na ang ganitong salin ay himig telegrapikong pahayag. Ang metodong ito ay maaaring gawing prosesong pre-translation upang ganap na maunawaan ang may kahirapang unawaing pahayag. - sa pagsasaling ito, ang ayos ng mga salita ay nananatili. Ang mga salita ay isinasalin ayon sa pinakapalasak na kahulugan. Layunin ng paraang ito na madama ang mechanics ng wikang isinasalin bilang panimulang hakbang. Orihinal: Each citizen must aim at personal perfection and social justice through education. (Quezon) Salin: Bawat mamamayan dapat layunin sa personal kaganapan at panlipunan katarungan sa pamamagitan edukasyon. 2. Literal. Sa saling literal na pahayag sa SL ay isinalin sa pinakamalapit na gramatikal na pagkakabuo sa TL. Kung minsan, nagiging wordy o masalita ito at nagiging mahaba nag pahayag.Ang gramatikal na pagkabuo ng wikang isinasalin ay hinahanap sa pinakamalapit na katapat nito sa target language. Bilang panimulang hakbang pinakikita nito ang mga suliraning dapat lutasin. Orihinal: Where are you going? Salin: Saan ay ikaw pumupunta? Orihinal: Father bought Pedro a new car.

5. Matapat. Sinisikap dito na makagawa ng eksakto o katulad na katulad na kahulugang kontekstuwal ng orihinal bagaman may suliranin sa estrukturang gramatikal na nagsisilbing hadlang sa pagkakaroon ng eksaktong kahulugang kontekstuwal. Orihinal: “Flowers are love’s truest language”. Salin; Ang pagbibigay ng bulaklak ay pinakatunay na pagpapahayag ng pagmamahal. 6. Idyomatiko. Mensahe, diwa, o kahulugan ng orihinal na teksto ang isinasalin. Hindi nakatali sa anyo, ayos, o estruktura ng SL bagkuS iniaangkop ang bagong teksto sa normal at natural na anyo ng TL. Orihinal: “Flowers are loves’s truest language”. Salin: Sa pagbibigay ng bulaklak ay dalisay na naipapahayag ang pagmamahal. Orihinal: Still wet behind the ears. Salin: May gatas pa sa labi. Orihinal: She bit her lips. Salin: Napakagat-labi siya. 7. Semantiko. Pinagtutuunan ditong higit ang aesthetic value o halagang estetiko, gaya ng maganda at natural na tunog, at iniiwasan anumang masakit sa taingang pag-uulit ng salita o pantig. Orihinal: O Divine Master, Grant that I may not so much seek To be understand: To be love as to be love: (Prayer of St. Francis of Assissi) Salin: O Bathalang Panginoon, Itulot mong naisin ko pa nag umaliw kaysa aliwin

Umunawa kaysa unawain Magmahal kaysa mahalin. (Rufino Alejandro)

8. Komunikatibo. Kasalubong ito ng semantikong salin sa gitna na dayagram ni Newmark. Nagtatangka itong maisalin ang eksaktong kontekstuwal na kahulugan ng orihinal sa wikang katanggap-tanggap at medaling maunawaan ng mga mambabasa. Orihinal: All things bright and beautiful All creatures great nad small All things wise and wonderful The Lord God made them all. Salin: Ang lahat ng bagay, maganda’t makinang Lahat ng nilaikhang dakila’t hamak man May angking talino at dapat hangaan Lahat ay nilikha ng poong Maykapal. IV. Kongklusyon Ang pagsasaling-wika ay napakahalaga sapagkat dinudugtong nito ang mga tao at kultura sa buong mundo. Kung ating babalikan ang naging kasaysayan ng ating bansa, ito rin ang ginamit ng mga Kastila sa pananakop at pagpapalaganap ng kristyanismo sa ating bansa. Inaral nila ang ating mga wika at kultura. Kahit pa man marami ang mga mali maling pagsasaling wika ang kanilang nagawa, ito ay maaaring naging daan sa paggawa ng mga paraan sa maingat at malikhaing pagsasalin. Sa pamamagitan ng mga nabuong paraan, mas napapaganda at naiintindihan natin ang ibang wika na walang binabago sa kahulugan nito. V. Mga Reperensya Maula, Dareen (2015). Mga Paraan ng Pagsasalin, date retrieved: January 23, 2015 Retrieved from https://prezi.com/jpfdjp tejht/mga-paraan-ng- pagsasalin/ Umbay, Beth Nielsen (2016). Aralin 8: Mga Paraan ng Pagsasalin, date retrieved: January 26, 2016 Retrieved from https://prezi.com/2rqi45e7_elt/aralin-8-mga- paraan ng-pagsasalin/