Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Kahulugan, Layunin, at Kahalagahan ng Pagsasalin, Study Guides, Projects, Research of English Language

Ang paksang ito ay pumapatungkol sa kahulugan, layunin, at kahalagahan ng pagsasalin. Sa araling ito ay malalaman ng bawat mag-aaral o indibidwal kung ano ang iba’t ibang pagpapakahulugan sa pagsasalin. Nakapaloob din sa pag-aaral na ito ang mga layunin na nais makamit ng pagsasalin, at kung bakit mahalaga ang pagsasalin sa ating mga tao higit lalo sa mga mag-aaral, at sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Nililinang ditto ang ating malikhaing pag-iisip at kakayahang makabuo ng isang mabuting sali

Typology: Study Guides, Projects, Research

2019/2020
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 05/30/2020

daryll-candia-official
daryll-candia-official 🇵🇭

4.8

(58)

25 documents

1 / 4

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Kahulugan, Layunin, at Kahalagahan ng Pagsasalin
I. Mga Layunin
Inaasahan na ang mga mag-aaral na kumuha ng kursong edukasyon ay mayroong
kaalaman sa kahulugan, layunin, at kahalagahan ng pagsasalin.
Tiyak na mga layunin sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:
a) natutukoy ang kahulugan, layunin, at kahalagahan ng pagsasalin;
b) nabibigyang halaga ang kahulugan, layunin, at kahalagahan ng pagsasalin; at
c) nakabubuo ng isang salin na hindi nababago ang tunay na diwa.
II. Introduksiyon
Ang paksang ito ay pumapatungkol sa kahulugan, layunin, at kahalagahan ng
pagsasalin. Sa araling ito ay malalaman ng bawat mag-aaral o indibidwal kung ano ang
iba’t ibang pagpapakahulugan sa pagsasalin. Nakapaloob din sa pag-aaral na ito ang mga
layunin na nais makamit ng pagsasalin, at kung bakit mahalaga ang pagsasalin sa ating
mga tao higit lalo sa mga mag-aaral, at sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Nililinang
ditto ang ating malikhaing pag-iisip at kakayahang makabuo ng isang mabuting salin. Sa
aralin ding ito ay nasusukat ang kahusayan ng mga mag-aaral o hindi kaya’y ng mga
tagasalin sa pagpili ng mga salitang itutumbas sa simulang lengguwahe na hindi
nababago ang orihinal na diwa ng teksto.
III. Nilalaman
Kahulugan ng Pagsasalin
Sa isang artikulo na sinulat naman ni Silapan, na pinamagatang “Mga Pagsasalin
Mula sa Wikang Iloko Tungo sa Wikang Pambansa,” hinango niya ang katuturan ng
pagsasalin mula kay New Mark (1998), na nagsabing “ang pagsasalin ay ang paglipat ng
kahulugan ng teksto sa ibang wika sa paraang ayon sa intensyon ng awtor ng teksto.”
Ang pagsasalin ay paglalahad sa tumatanggap ng wika ng pinakamalapit na
natural nakatumbas ng mensahe ng simulang wika, una’y sa kahulugan at pangalawa’y sa
pf3
pf4
Discount

On special offer

Partial preview of the text

Download Kahulugan, Layunin, at Kahalagahan ng Pagsasalin and more Study Guides, Projects, Research English Language in PDF only on Docsity!

Kahulugan, Layunin, at Kahalagahan ng Pagsasalin

I. Mga Layunin

Inaasahan na ang mga mag-aaral na kumuha ng kursong edukasyon ay mayroong kaalaman sa kahulugan, layunin, at kahalagahan ng pagsasalin. Tiyak na mga layunin sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod: a) natutukoy ang kahulugan, layunin, at kahalagahan ng pagsasalin; b) nabibigyang halaga ang kahulugan, layunin, at kahalagahan ng pagsasalin; at c) nakabubuo ng isang salin na hindi nababago ang tunay na diwa. II. Introduksiyon Ang paksang ito ay pumapatungkol sa kahulugan, layunin, at kahalagahan ng pagsasalin. Sa araling ito ay malalaman ng bawat mag-aaral o indibidwal kung ano ang iba’t ibang pagpapakahulugan sa pagsasalin. Nakapaloob din sa pag-aaral na ito ang mga layunin na nais makamit ng pagsasalin, at kung bakit mahalaga ang pagsasalin sa ating mga tao higit lalo sa mga mag-aaral, at sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Nililinang ditto ang ating malikhaing pag-iisip at kakayahang makabuo ng isang mabuting salin. Sa aralin ding ito ay nasusukat ang kahusayan ng mga mag-aaral o hindi kaya’y ng mga tagasalin sa pagpili ng mga salitang itutumbas sa simulang lengguwahe na hindi nababago ang orihinal na diwa ng teksto. III. Nilalaman Kahulugan ng Pagsasalin Sa isang artikulo na sinulat naman ni Silapan, na pinamagatang “Mga Pagsasalin Mula sa Wikang Iloko Tungo sa Wikang Pambansa,” hinango niya ang katuturan ng pagsasalin mula kay New Mark (1998), na nagsabing “ang pagsasalin ay ang paglipat ng kahulugan ng teksto sa ibang wika sa paraang ayon sa intensyon ng awtor ng teksto.” Ang pagsasalin ay paglalahad sa tumatanggap ng wika ng pinakamalapit na natural nakatumbas ng mensahe ng simulang wika, una’y sa kahulugan at pangalawa’y sa

estilo(EugeneNida,1964). Ang pagsasalin ay maaring maisagawa sa pamamagitan ng paagtutumbas sa kaisipang nasa likod ng mga pahayag na berbal. Theodore Savory, 1968). Ang pagsasalin ay isang gawang binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gaya ding mensahe sa ibang wika. (Peter Newmark, 1988). Ang pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe sa malapit na katumbas na diwa na gamit ang ibang wika. (Griarte, 2014). Layunin ng Pagsasalin Ayon kay Virgilio Almario, may dalawang maituturing na pangkalahatang layunin sa pagsasalin: Imitasyon at Reproduksiyon. Imitasyon o panggagaya ang tawag ko sa gawaing sumasaklaw sa paghahanap ng katumbas na salita para sa SL hanggang sa pagsisikap na gayahin ang anyo at himig ng orihinal na akda. Naiiba ang imitasyon ko sa “imitasyon” ni Dryden. Hindi ito paggawa ng huwad; sa halip, nangangahulugan ito ng pagsisikap matularan ang isang huwaran, at kung sakali’y higit na malapit sa hakà ni Plato hinggil sa paglikha mula sa pagpangitain ng isang Ideal. May napakalakas na layuning maging matapat ang imitasyon sa orihinal. Reproduksiyon o muling-pagbuo ang layuning higit na tumutupad sa inaakalang interes o pangangailangan ng lipunan at panahon ng tagasalin. Nagbibigay ito ng kalayaan at pleksibilidad sa proseso ng pagsasalin. Maaari itong mangahulugan ng pagsasapanahon. Sa gayon, maaari itong umabot sa paglalapat ng wikang higit na naiintindihan ng mambabasa ng salin. Maaari itong mangahulugan ng paglilipat ng orihinal túngo sa isang anyong ipinalalagay na mas ninanais basahin ng madla. Bílang adaptasyon, maaari itong salin ng anyong pampanitikan ng orihinal túngo sa ibang anyong pampanitikan hanggang sa isang pinahabàng paglilinaw sa anyo’t nilalaman ng orihinal. Maraming sinaunang akda ang nagkaroon ng bagong buhay dahil sa reproduksiyon ng mga ito túngo sa anyo at wikang uso o moda sa target nalipunan. Kahalagahan ng Pagsasalin Sukatan ng pahapyaw na pagtatalakay o introduksyon.

  • Mahalaga ito sa kabuhayan ng mga Pilipino noon tulad ng barter system o pagpapalitan ng mga kalakal hindi lamang sa pagitan ng mga katutubo kung hindi sa mga taga ibang bayan sa silangan, tulad ng mga Tsino na napadpad sa kapuluan ng Pilipinas.

V. MgaReperensya Sandoval, Mary Ann S. et al. Inobasyon sa Wikang Filipino, Malabon City: Mutya Publishing House, Inc. (2018) Tuazon, Shaine.(2014). Kahulugan ng Pagsasalin. Retrieved February 24, 2020. Retrieved from https://prezi.com/ia70xlv4zjr3/kahulugan-ng-pagsasalin/ Ungab, Nathan.(2012). Ang Pagsasaling Wika. Retrieved February 24, 2020. Retrieved from https://prezi.com/ahwhdcknlmav/ang-pagsasaling-wika/ Almario, Virgilio S.(2016). Batayang Pagsasalin:IlangPatnubay at Babasahin para sa Baguhan. Retrieved February 24, 2020. Retrieved from yhttp://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2017/03/BatayangPagsasalin.pdf? fbclid=IwAR2oLTpBE6SID04AV8RHA7ZdQJ