









Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
Unang Kabanata ni Rizal, buhay
Typology: Lecture notes
1 / 15
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
Pangkalahatang Pananaw Si Dr.Jose Rizal ay isang natatanging anak ng ating Bayan na naging huwaran ng lahing Pilipino sa larangan ng matapat na paglilingkod at lubos na pagmamahal sa ating Bayan. Sa kabila ng hindi na mabilang ng iba’t-ibang anyo ng pag-durusa na dinanas nila noon sa kamay ng mga mananakop na kastila, hindi siya kailanman nalimitahan sa kinaya niyang gawin para sa pagtatanggol sa karapatan ng kapwa Pilipino at para sa kapakanan ng Inang-Bayan sa kanilang kapanahunan. Katulad ni Dr. Rizal ang mga kabataang milenyal na makakabasa ng modyul na ito ay tunay ding mga anak ng ating Inang-Bayan na marahil ay may katulad ding kakayanan na makagawa ng mga bagay na higit pa sa pagmamahal sa sarili at pamilya, sa madaling salita ay may kapasidad na maipakita din ang sariling bersiyon ng kanilang pagmamahal sa Bayan na maaaring makatutugon sa pangangailangan ng ating bansa laluna sa kasalukuyan. Sa ganitong diwa nabanghay ang modyul na ito upang sa mga aralin na dito ay sunod-sunod na inilatag kasama na ang mga gawaing binanghay para mapalalim ang kamuwangan at kaalaman ng mga mag-aaral sa kursong Rizal, inaasahang makapagbigay ng oportunidad ang mga ito sa mga mag-aaral na balikan ang nakaraan sa buhay, sa mga ginawa, at mga mahahalagang kaisipang dumaloy sa mga akda ni Dr. Rizal laluna ang kanyang dalawang nobela: ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo kung saan man maari nilang kapulutan ng magandang aral sa buhay upang kanila ding maipagpatuloy ang sinimulan ng mga huwarang Pilipino katulad ng ating Bayani Bilang Pambansang Bayani ng ating Bayan malaki ang naiambag ni Jose Rizal sa pagkamit ng ating kalayaan sa mga dayuhang mananakop. Ipinamalas niya ang pagmamahal sa ating tinubuang lupa sa pagbubuwis ng kanyang buhay.Siya ay naging inspirasyon upang magkaroon ng reporma tungo sa kinakailangan upang higit na mapagbuti ang kalagayan ng ating bansa. Matutunghayan natin sa modyul na ito ang talambuhay ni Jose Rizal ,ang kwento ng angkan at pamilyang pumanday ng katatagan ng batang lumaki at yumabong sa kahusayang si Jose Rizal, kasama na ang mga detalye ng kanyang panimulang masumpungan ang liwanag na dulot ng kaisipang napanday sa kanyang karanasan sa paglayo sa kanilang tahanan upang simulan ang kanyang edukasyon sa pribadong paaralan sa Biñan hanggang sa buhay probinsyang mag-aaral na napunta sa Maynila at nag- aral sa Ateneo de Municipal, at malaunan sa kanyang kolehiyo sa Unibersidad Santo Tomas. Ang mga kwento ng kanyang kabiguan at kahusayan sa larangang pinili niya, pagtuklas ng karunungan sa Europa, sa sariling Bayan ng Calamba, buhay Destierro sa Dapitan Mindanao, hanggang sa sumapit siya sa kanyang maagang kamatayan na ibinunga ng kanyang pasyang lisanin ang komportableng kalagayan sa buhay niya sa Hongkong, para ialay ang buhay sa kanyang tunay na pinag-alayan ng kanyang lubos na pagmamahal. Ang Inang Bayang Pilipinas: “Ang kanyang Dakilang Pag-ibig”. Sa bandang huli ng modyul na ito matutunghayan ang mga naisulat niyang akda, nobela, tula, liham at mga sanaysay na tunay namang nakapag-iwan ng magagandang aral at inspirasyon.
Pambungad na Salita Sa bisa ng Republic Act bilang 1425 (Batas Rizal), mahigit nang anim na pong taon (60) nang kinukuha ng mga mag-aaral sa kolehiyo ang kursong tumatalakay sa buhay at mga akda ni Dr Jose Rizal. Mahalagang balikan ang konteksto ng pagpanukala ng mga batas at ang mga naging kaakibat na isyu sa pagsusulong nito. Tatalakayin sa module na ito ang krisis panlipunan na kinahakaharap ng mga Pilipino matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig. Mga Aralin: I. Ang Pulitika sa likod ng Batas Rizal II. Mga Layunin at itinadhana ng Batas Rizal III. Pagpili ng Pambansang Bayani sa Panahon ng mga Amerikano IV. Ang kabuluhan ng Kabayanihan ni Dr Jose Rizal sa kasalukuyang panahon.
Talaan ng mga Resultang Nais Makamit: Panukalang Batas Blg. 438 (Senate Bill No. 438) Ika-3 ng Abril 1956 nang ihain nina Sen. Claro M. Recto at Sen. Jose P Laurel sa Mataas na Kapulungan ang Senate Bill No. 438 (“An Act to Make Noli Me Tangere and El Filibusterismo Compulsory Reading Matter In All Public and Private Colleges and Universities and For Other Purposes”). Hindi naging madali ang pagkapasa ng batas na ito sa Mataas na Kapulungan. May mga di sang-ayon sa pag-aaral ng Noli at Fili sa lahat ng unibersidad at kolehiyo. Kabilang sa mga sumasalungat sa panukalang batas na ito ay sina Decoroso Rosales, kapatid ni Arsobispo Rosales; Mariano Cuenco, kapatid ni Arsobispo Cuenco; at Francisco “Soc” Rodrigo, dating pangulo ng Catholic Action. Ayon sa kanila, nilalabag ng naturang panukalang batas ang kalayaan sa pagpili at pananampalataya. Mahigpit na tumutol ang mga Katolikong grupo sa pagpapasa ng panukalang batas na ito. Panukalang Batas Blg. 5561 (House Bill No. 5561) Ika-19 ng Abril 1956 nang ipinakula ni Kong. Jacobo Z. Gonzales ang House Bill No. 5561. Ang panukalang batas na ito sa Mababang Kapulungan ay nanganib na maibasura noong ika-3 ng Mayo sa simula ng deliberasyon dahil walong boto lamang ang naging lamang ng 45 na sumang-ayon sa 37 na tumutol, at may isang nag-abstain. Ang deliberasyon sa Mababang Kapulungan ay naging maaksyon at humatong pa sa suntukan. Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang magagawa ang mga sumusunod:
_1. Nailalarawan ang kasaysayan ng Batas Rizal at mga kaugnay na batas nito.
SECTION 3. Ang sino mang sumuway sa kautusan ay pagbabayarin ng karampatang multa na hindi hihigit sa dalawandaang piso o pagkakakulong na hindi lalagpas sa anim na buwan o parehong parusa sa paghatol ng hukuman. At kung ang nagkasala ay ang punong bayan karagdagang parusa na ipapataw ay ang pagkasuspendi sa kanyang termino ng isang buwan. Kung may paglabag ang isang korporasyon, ay mayroong pananagutang kriminal ang presidente nito, direktor o ibang opisyales nito. SECTION 4. Ang batas na ito ay epektibo matapos ito ay aprubahan. Naaprubahan: Hunyo 9, 1948. Ang Kautusan Blg. 247 s. 1994 Sa kautusan ito ng Malacañang ay inaatasan ang Kalihim ng Edukasyon, Kultura, at Sports, at ang tagapangasiwa ng CHED na ipatupad ang Batas Republika Blg. 1425 na nag-uutos na isama sa pag- aaral ng mga pampubliko at pribadong paaralan, mga kolehiyo at unibersidad ang buhay, mga nagawa, at naisulat ni Jose Rizal, lalo na ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, at ang paglimbag at isa-publiko ang mga nasabing nobela.
Talaan ng mga Resultang Nais Makamit : Batas Republika Blg. 1425 Section 1. Ang mga kurso ukol sa buhay, gawa at mga akda ni Jose Rizal, partiKular na ang kanyang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay dapat ibilan sa lahat ng kurikulum ng lahat ng paaralan, kolehiyo at unibersidad pambuliko man o pribado. Sa kondisyong, sa mga kurson pangkolehiyo, ang orihinal at hindi binagong edisyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo o ang kanilang mga salin sa Ingles ay dapat gamitin bilang pangunahing aklat. Ang Board of National Education sa pamamagitan nito ay binigyan kapangyarihan at inatasang tnaggapin ang kagyat at maingat na pagpapatupad ng mga probisyon ng seksyon na ito. Kasama na rin ang pagsulat at pag-imprenta ng mga aklat para sa bata, babasahing aklat at aklat-pampaaralan. Ang kapulungan ay marapat na ipakalat ang mga tuntunin at patakaran ng batas na ito sa loob ng 60 araw bago ito tuluyang magkabisa. Inaatasan din ang mga mayroong kapangyarihan na ipatupad ang mga probisyon ng batas na ito. Ang kapulungan aay inaasahan gumawa ng mga tuntunin at patakaran na mag papawalang saklaw ng batas na ito sa mga mag-aaral na magkaroon ng problimang may kinalaman sa paniniwalang pangrelihiyon na nakasulat sa isang pahayag ng pagsumpa, mula sa kautusan ng probisyong ito na nakapaloob s ikalawang bahagi unang talata ng sekyon na ito; ngunit hindi sa pagkuha ng kursong (asignatura) kinakailangan sa unang parte ng nasabing talata. Ang mga nasabing talata. Ang mga nasabing batas at alintunin ay nagkabisa sa loob ng 30 araw matapos ang pagkalathala ng mga ito sa Official Gazette. Section 2. Ito ay marapat gawing obligasyon sa lahat ng paaralan, kolehiyo at unibersidad na maghanda sa kanilang mga silid-aklatan ng sapat na bilang ng kopya ng original at walang binagong edisyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo. O ang mga salin nito sa Ingles gayundin ang iba pang mga akda ni Rizal, na kinakailangan maisama sa mga aprobadong aklat na marapat basahin sa lahat ng pambubliko at pribadong paaralan, kolehiyo at unibersidad. Ang Board of National Education ay siyang magtatakda ng kasapatan ng bilang ng mga aklat, depende sa bilang ng mag-aaral ng paaralan, kolehiyo at unibersidad. Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan malinang ang mga sumusunod na kasanayan:
Pangatlo, napatunayan na ang buhay, gawa at mga akda ni Jose Rizal particular na ang kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ay parehong matatag at nakapagpapaalab na bukal ng pagkamakabayan kung saan ang kaisipan ng mga kabataan lao na sa yugto ng kanilang pagsibol at pagkatuto sa paaralan na dapat hustong mapunan. Pang-apat, napatunayan na ang lahat ng mga paaralan sa ilalim at sakop ng ating estado ay hinihikayat na makiisa sa paghubog ng katauhang moral, disiplina sa sarili, konsensyang panlungsod (komunidad) at magtuturong tungkulin ng isang mamamayan. Ang pangangasiwa ay isang importanteng sangkap ng pamumuno. Ito ay lubhang mahalaga dahil isa itong paraan upang mabantayan ang isang particular na proseso. Ang proseso ng pangangasiwa ang siyang nagpapatakbo at nagpapanatili ng malusog na operasyon ng mga institution alinsunod sa mga mithiin at layunin kung kaya sa ganitong paraan ang hangarin at layunin ng RA 1425 mas kilala bilang The Rizal Law ay nabibigyang katiyakan na naipapatupad at naisagawa sa pinakamataas na antas.
Talaan ng mga Resultang Nais Makamit: Ang lupon na pumili sa pambansang bayani Naganap ang pagpili kay Dr. Jose Rizal bilang bayaning pambansa noong panahon ng Amerikano sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng Gobernador Sibil na si William Howard Taft. Ang mga sumusunod ang nagsagawa ng diskusyon upang pag-usapan ang mga merito ng mga pagpipiliang bayani: William Howard Taft (Setyembre 15, 1857 – Marso 8, 1930) – Siya ang 27 pangulo ng Estados Unidos ng Amerika (1909-1913). Ito ang naging tulay niya upang maging pangulo ng Estados Unidos at naging Gobernador Sibil ng Pilipinas noong 1901 hanggang 1904. Siya ang nanguna sa pagpili kay Dr. Jose Rizal upang maging pambansang bayani ng Pilipinas. William Morgan Shuster (1877-1960) – Siya ay naging custom collector ng Estados Unidos para sa Cuba noong 1899, at noong Spanish – American War. Siya ay mas nakilala sa kasaysayan ng mundo bilang pinakamahusay na treasurer – general ng bansang Persia (Iran) noong 1911. Bernard Moses (1846 – 1930) – Commissioner ng Bureau of Education at nang huli’y naging kalihim ng Public Instruction. Nakilala siya sa kasaysayan ng mundo bilang pioneer of the Latin-American scholarship. Dean Conant Worcester (Oktubre 1, 1866 – 1924) – Kilalang pulitiko at zoologist. Siya noo’y kasapi ng United States Philippine Commission at Commissioner ng Interior Government ng Bansa. Henry Clay Ide – Siya ay Commissioner ng Finance and Justice ng Philippine Commission. Trinidad Hermenigildo – Pardo de Tavera (1857-1925) – Kilalang maka-Amerikanong creole (mga Pilipinong may dugo o pamilyang Kastila na ipinanganak sa bansa) nang Lubao, Pampanga. Isa siya sa tatlong napiling kumakatawan sa bansa sa Second Philippine Commission bilang isang resident commissioner. Gregorio Soriano – Araneta (1869 – 1930) – Siya ay isa sa mga Pilipinong pinili ng gobernador- heneral Elwell Otis bilang kinatawan ng tribunal na siyang ipinapalit sa Real Audencia (katumbas na Korte Suprema) kasama sina Cayetano Arellano, Florentino Torres, Manuel Araullo, Julio Llorente, at Dionisio Chanco. Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang makakamit ang mga sumusunod:
ay pagpapatibay lamang ng katotohanan na si Jose Rizal ay ipinagbunyi na ng kanyang mga kababayan na bilang pinakadakilang tao ng lahing Malayo at martir ng bayan niyang sinilangan. Noong barilin si Jose Rizal sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896, maraming tao ang nagluksa at humanga sa kanyang kadakilaan at katapangan. Noong hindi pa natutuklasan ng mga Kastila ang Katipunan, ginawa na ni Andres Bonifacio ang pagsugo kay Pio Valenzuela upang mabatid ang panig ni Rizal hinggil sa pinaplanong paghihimagsik. Pinapatunayan lamang ng pangyayaring ito ang pagtitiwala at paggalang sa katalinuhan ni Rizal. Sina Heneral Emilio Aguinlado at iba pang mga pinuno ng himagsikan na ipinatapon sa Hongkong ay Nagbigay ng pang-alaalang palatuntunan noong Disyembre 29, 1897 upang dakilain ang mga nagawa ni Rizal sa okasyon ng unang anibersaryo ng pagbaril sa bayani. Ang pahayagan La Independecia, na pinamatnugutan ni Antonio Luna at ang El Heraldo de la Revolucion, sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Aguinaldo ay naglabas ng dagdag na sipi bilang paggunita sa kamatayan ni Jose Rizal. Noong Disyembre 20, 1898, nagpalabas si Pangulong Aguinaldo ng opisyal na proklamasyon na nagtatalaga sa Disyembre 30, ng taong iyon bilang Araw ni Rizal. Batay rin sa proklamasyon, iniuutos ang pagtataas ng bandilang Pilipino sa kalagitnaan ng palo mula tanghali ng Disyembre 29 hanggang tanghali ng Disyembre 30, at ang pagsasara ng lahat ng mga opisina ng pamahalaan sa buong araw ng Disyembre 30. Marami namang taong sumang-ayon kay Professor Ferdinand Blumentritt na nagsabi noong 1897: Si Rizal ay hindi lamang “ Ang pinakabantog na tao sa kanyang mga kababayan kundi ang pinakadakilang tao na nalikha ng lahing Malayo ”. Ang kanyang alaala ay hindi maglalaho sa kanyang tinubuang lupa at matututuhan pa ng susunod na mga henerasyonng mga Kastila ang pag- bigkas sa kanyang pangalan na may paggalang at pagpipitagan. Mula sa sanaysay na sinulat ni Esteban A. de Ocampo, Sino ang pumili kay Rizal Bilang Pambansang Bayani natin at bakit? Binanggit niya: “ Bakit si Rizal ang naging pambansang bayani? Siya ang ating pinakadakilang bayani sapagkat, bilang nangingibabaw na tao sa Kampanyang Propaganda, gumanap siya ng “kahanga-hangang bahagi” sa kilusang iyon na humigit kumulang ay papipiliin tayo ng isang katha ng isang Pilipinong manunulat sa panhaong ito, na higit sa ibang mga sinulat ay nakatulong nang malaki sa pagbubuo ng nasyonalidad ng mga Pilipino, hindi tayo mag-aatubili sa pagpili sa Noli Me Tangere (Berlin, 1887) ni Rizal. Totoo na ipinalathala ni Pedro Paterno ang kanyang nobelang Ninay sa Madrid noong 1885; ni Marcelo H. del Pilar, ang kanyang Discursos y Articulos Varios Impresiones sa madrid noong 1893, ngunit wala sa mga aklat na ito ang nakapaglikha ng papuri o pagpuna mula sa mga kaibigan o mga kaaway na tulad ng Noli Me Tangere ni dr Jose Rizal.”
Talaan ng mga Resultang Nais Makamit: Ang Kabayanihan ni Dr Jose Rizal Natatangi at isang pulang araw sa kasaysayan ng iniibig natin Pilipinas ang ika-30 ng Disyembre sapagkat ginugunita ang kabayanihan at pagiging martir ng ating pambansang bayaning si Dr Jose Rizal. Madalas nating naririnig ang salitang “bayani” kahit saan tayo magpunta. Naririnig natin ito sa radyo, napapanood sa mga pelikula at nababasa sa mga libro, pahayagan at internet. Tinatawag na “bayani” ang mga pangkaraniwan tao na gumagawa ng isang bagay na taliwas sa inaasahan ng marami na gagawin niya, o ng isang bagay na napakahirap gawin, o bagay na magdudulot ng malaking sakripisyo at hirap. Ngunit ano ba talaga ang totoong kahulugan ng salitang “bayani”? Binigyang kahulugan ni Dr. Zeus Salazar, isang historyador at pangunahing tagapagpalaganap ng Pantayong Pananaw sa bansa, ang “bayani” bilang “isang nagkukusang makipagtulungan nang walang anumang bayad sa mga gawaing pangkomunidad.” Kaugnay ng pagpapakahulugang ito ang salitang Bisayang “bagani”, na nangangahulugang “mandirigma”, at “wani” o malasakit at pagtulong. Sa kabilang banda, kung titingnan sa mga diksyunaryo ang pagpapakahulugan sa salitang “hero”, kadalasang tumutukoy ito sa isang magiting, matalino at malakas na lalaki, maaaring sa totoong buhay o binigyang-buhay sa mga kwento at epiko. Si Melchora Aquino, o Tandang Sora, ay hindi ininda ang kanyang edad makatulong lamang sa mga sugatan at nagugutom na mga Katipunero sa panahon ng Himagsikan. Sa pagsiklab ng Himagsikan noong 1896, maraming mga Katipunero at mga karaniwang tao na nakilahok sa rebolusyon ang maituturing na mga bayani. Sa kagustuhan nilang makamit ang inaasam na kalayaan ng bansa, nakipaglaban sila sa mga Espanyol, kahit walang kasiguruhan ang kanilang tagumpay. Ang mga Katipunerong ito ay mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan. Bagama’t nakamtan ng bansa ang kalayaan nito mula sa mga Espanyol, ang mga Amerikanong tumulong upang makalaya ang mga Pilipino ay siya ring sumunod na sumakop dito. Ang mga bayaning katulad ni Macario Sakay, na patuloy na tinutulan ang pananakop ng mga Amerikano, ay nagsilbing inspirasyon sa ilang mga Pilipinong pilit itinatakwil ang mga bagong mananakop. Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang magagawa ang mga sumusunod: