




Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
kahanga-hangang mga Pilipino na binasag ang mga pamantayang pangkasariang
Typology: Exercises
1 / 8
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
On special offer
Isulat mo ang sagot mo rito: Mag-ama ng doktor ang dalawang biktima. Bilang isang asawa’t ina, mahirap para sa kanya ang ganoong sitwasyon. Bilang isang ina, napakasakit, nakakapanghina, at nakadudurog ng puso na makita na gaoon ang kalagayan ng kanyang anak na nasasaktan at nahihirapan.. Hindi niya maaaring operahan dahil sa kanya mismo nakasalalay ang buhay ng kanyang anak. Maaaring kaligtasan lamang ang nasa isipan ng doktor at ang kagustuhan at pangarap na mapabuti ang kalagayang hinaharap ng kanyang anak. Mayroon ding takot at pangamba sa kanya dahil kung magkamali siya ay maaaring sa kamay niya mismo mawawalan ng buhay ang kanyang sariling anak.
Panubaybay na tanong:
1. Ano ang unang naisip mo na kasarian ng doktor? Maaaring ang kasarian ng doktor sa sitwasyong ipinakita ay isang babae sapagkat kita naman sa daloy ng kwento at sa mga karakter na lumitaw. Isang babaeng doktor na mismong ina ng batang tinutukoy sa palaisipan. Makikita ang linyang, “Hindi ko siya maaaring operahan, dahil anak ko siya!” at sa linyang ito mahihinuha na na babae sapagkat alam naman natin na maramdamin at ma- emosyonal ang mga babae lalong lao na sa ating mga ina. Alam naman natin na ang mga babae lalo na sa mga ina ay tila ba hindi nila kayang makita na nasasaktan, nahihirapan at humaharap sa mga pagsubok at hamon sa buhay ang mga anak, pamilya o mga mahal sa buhay kumbaga sarili na lang nila ang masaktan at huwag lamang ang pinakamamahal at pinakamahalagang mga tao sa kanyang buhay. Ganito ang pagmamahal at pagsasakripisyo ng ating mga natatanging ina. 2. Ang gender role ay ang itinakdang mga pamantayan ng lipunan na tinatanggap ng karamihan bilang basehan ng pagiging babae o lalaki na nakabatay sa panlipunan o interpersonal na ugnayan ng tao.
Tandaan: Ang hindi pagkakapantay ng kasarian ( gender inequality) at pagtatakda ng pamantayan sa kasarian ( gender roles) ang nagiging sagka sa pag-unlad ng isang indibidwal ng kaniyang lipunang ginagalawan, at ang lahat ng pagpapaikot sa mundo.
Ang mga larawang nasa ibaba ay mga kilala at kahanga-hangang mga Pilipino na binasag ang mga pamantayang pangkasariang itinakda ng lipunan sa kanila at pinatunayan ang kanilang angking husay at galling sa larangang kanilang pinili. Tukuyin kung sino sila at bilang pagpupugay sa kanila, ipakilala ang mga personalidad na ito sa masining na paraan.
Si Lydia de Vega ay isang atletang itinuring na pinakamabilis na babaeng tumakbo sa paligsahan sa Asya sa larangan ng isports sa larong bemedalled track and field. Siya rin ay kinilala bilang Sprint Queen ng Asya dahil sa mga sandamakmak na gantimpala at karangalang kanyang tinamo at nakamit, at dahil na rin sa angkin niyang husay sa pagtakbo.
Ito ang kanyang binuwag at ipinakita sa larangang kanyang napiling karera, na hindi lamang ang mga ang mayroong kapasidad at kakayahan na magtamo ng karangalan sa larangan ng isports sa pagtakbo dahil kaya rin ng mga babae. Pinatunayan ni Lydia de Vega na ang lakas at husay sa pagtakbo ay hindi lamang para sa mga kalalakihan bagkus para ito kanino man na may paninindigan, lakas ng loob, at kumpyansa sa sarili.
Si Cinco ay isang fashion designer na kilala hindi lang sa ating bansa kundi pati sa ibang panig ng mundo. Kaya’t isa siya sa World-Famous Fashion Designer at sa katunayan, siya ang pinakapopular at sopistikadong designer sa mundo. Masasabi rin na siya ang itinuturing na Fashion Pride of the Philippines dahil sa mga nakamit niyang sandamakmak na mga parangal at tagumpay bitbit ang ating bansang Pilipinas sa buong mundo. Ang kanyang kakayahan, kanyang husay, talento, pagkamalikhain, diskarte, determinasyon, pagsusumikap, pagtitiyaga, at kumpyansa sa sarili ang naging armas niya upang maabot ang kanyang pinapangarap at ito rin ang naghatid sa kanya sa rurok ng kanyang tagumpay. Binubuwag niya ang kaisipan at ideya na tanging ang mga babae lamang ang marunong manahi. Ipinakita ni Cinco na Hindi lamang ang mga babae ang may kakayahan na humawak ng mga kagamitang panahi para gumawa at magdisenyo ng kakaiba atmagagarbong couture gowns. Si Cinco ang nagpapatunay na ang mga lalaki ay mayroon ding kapasidad at kakayahan na magdisenyo at manahi. Ang mga lalaki ay mayroon ding lugar sa industriya ng fashion. Hindi lamang para sa mga babae ang fashion design bagkus para ito kanino man na may husay, talento, pagkamalikhain, diskarte, determinasyon, pagsusumikap, pagtitiyaga, at kumpyansa sa sarili.
Ang akdang ito ay nagsilbing isang paggising at kamalayan para sa kabataan tulad ko sa henerasyong ito na pagdating ng panahon ay makikilala ko rin ang aking magiging katuwang sa buhay at huwag kong hahayaan na siya ang mangingibabaw sa pamilya at maging alipin ako bagkus ay magtutulongan kami sa mga pagsubok na aming haharapin sa tamang panahon. Dapat mayroong isang patas na bahagi ng mga obligasyon at pantay na pagtingin mula sa lipunan. Nagtataglay din ng kamalayan ang tula para sa mga kababaihan na ipaglaban ang kanilang mga karapatan at ipaglaban ang sa tingin nila ay tama. Ang isa pang highlight ng tula ay ang kahirapan kung saan nagtatrabaho ang mga Pilipino sa ibang bansa na may pag-asang kumita ng malaking halaga ng pera.
Sa akda ipinakita kung gaano katapang ang mga Pilipino lalo na ang mga babaeng Pilipino. Nakikita ko dito na ipinahahayag ng may-akda ang karaniwang katayuan ng kababaihan sa ating lipunan na kung saan kadalasan siya ay isang ina, propesyunal at maybahay, at kung saan din madalas ay ginagampanan niya ang lahat ng ito. Madalas hinahadlangan niya ang sariling pag-unlad at hindi siya nagiging makasarili para sa kapakanan ng iba. May maraming pagkakataon ay hindi din napapansin ang kanyang mga ginagawa at pasakit. Dito din ay ating mapupuna na ang mga kababaihan ay may karapatan art maari ring umunlad sa iba’t-ibang personal na aspeto kung kanila lamang nanaisin. Malaki at todo ang hanga at respeto ko sa mga pinakadakilang kababaihang patuloy na lumalaban sa kanilang mga gampanin bilang isang ina, propesyunal, asawa, at maybahay. Mga kababaihang hindi tinatalikuran ang mga obligasyon at mga gampanin kahit na sila’y nahihirapan na. Ganito ang pagmamahal at pagsasakripisyo na ginagawa nila para mas mapabuti at mabigyan lamanag ng mas maginhawa, mas maganda, at mas maliwanag na kinabukasan ang pamilya. Ang kanilang kagitingan at sakripisyo ay magsilbi sanang aral at inspirasyon upang gawin ng tama ang mga bagay para sa sariling pag-unlad.
TANDAAN: Lumilikha ang lahat ng manunulat dahil may kung anong pwersang kailangan niyang pagbigyan. Kung hindi pag-uukulan ng panahon at pagkakataon ang pwersang ito, ikaw ang mawawasak.
I. Ilahad ang mga sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan nakalahad sa akdang “Liham ni Pinay mula sa Brunei”
May mga karaniwang sanhi kung bakit nangingibang bansa ang isang tao at ito ay ang mga sumusunod:
a. Upang makaahon sa kahirapan at mabigyan ng mas maganda at maginhawang buhay ang mga mahal sa buhay.
b. Upang may pantustos sa mga pangangailangan sa pang-araw-araw.
c. Kawalan ng mapapasukang trabaho at oportunidad sa ating sariling bansa.
d. Hindi sapat at kakarampot lamang na salapi ang sweldo sa trabahong napasukan.
e. Mas marami ang mapapasukang trabaho at oportunidad sa ibang bansa.
f. Mas malaki ang sahod sa ibang bansa.
Ang pangingibang bansa ay may mga epektong positibo at hindi rin mawawala ang negatibong epekto nito. Dahil sa pangingibang bansa ng bawat Pilipino ay totoong nagkaroon ng maliwanag na kinabukasan ang pamilya at mahal sa buhay ng bawat OFW. Nakapag-ipon, nakapagpatayo ng kanilang bahay, nagkaroon ng mga sasakyan, nakapagpaaral ng kanilang mga anak at sa madaling salita ay bumuti ang dating hikahos nilang buhay. Ngunit may mga oaras na ang kanilang buhay ay napapahamak na dahil sa mahigpit na kamay ng kanilang mga amo. May mga oras na napapasok at nakararanas sila ng mga hindi kaaya-ayang sitwasyon, pinapahirapan sila, inaabuso, minomolestya, linalait, at humahantong pa ito sa pagkawala ng kanilang mga buhay. Dahil sa kawalan ng kanilang presensya ay kulang ang kanilang pagkalinga sa kanilang pamilya lalo sa kanilang mga anak marahil sila ay malayo mula sa kanila. Ang pagkakawatak-watak ng kanilang pamilya, pangangaliwa ng kanilang mga asawa at paglayo ng loob ng kanilang mga anak ang mga iba pang nagiging negatibong epekto ng pangingibang bansa.
Sa bahaging ito ng Yunit V, kailangan mo nang maipakita ang iyong kahusayan sa pagsusuri ng akda gamit ang angkop na akdang pampanitikan. Narito ang gabay mo sa iyong isasagawang pagsusuri: o Panimula: Introduksyon ukol sa tula at kung para kanino ang akdang ito o Katawan: Angkupan ng teoryang pampanitikan ang akda at gamitin ang konsepto nito sa pagsusuri ng nilalaman at isinisiwalat ng tula o Wakas: Mensahe at repleksyon ukol sa akdang sinusuri
Pamagat ng Akda: Liham ni Pinay mula sa Brunei May-akda: Ruth Elynia S. Mabanglo
Sa akda ipinakita kung gaano katapang ang mga Pilipino lalo na ang mga babaeng Pilipino. Nakikita ko dito na ipinahahayag ng may-akda ang karaniwang katayuan ng kababaihan sa ating lipunan na kung saan kadalasan siya ay isang ina, propesyunal at maybahay, at kung saan din madalas ay ginagampanan niya ang lahat ng ito. Madalas hinahadlangan niya ang sariling pagunlad para sa kapakanan ng iba at may maraming pagkakataon ay hindi din napapansin ang kanyang mga ginagawa at pasakit. Dito din ay ating mapupuna na ang mga kababaihan ay may karapatan at maari ring umunlad sa iba’t ibang personal na aspeto kung kanila lamang nanaisin. Ang tulang “Liham ni Pinay Mula sa Brunei” ay gumagamit ng teoryang feminism kung saan ang babae sa tula ay hindi na katulad ng mga babae noong unang panahon. Ipinakikita ng tula ang damdamin ng babae sa pantay na paghahati ng responsibilidad ng ama at ina ng tahanan. Nakapamumulat din ang akda sapagkat nakikita ng mga mambabasa, kababaihan man o kalalakihan ang damdaming sinisikil ng maraming babae sa double standard na kalakaran sa ating lipunan. Sa babae nakaatang halos lahat ng responsibilidad sa pamilya sa kabila ng kanyang pagtratrabaho sa labas ng tahanan upang mapaghusto ang kita ng pamilya. Inaasahang ang mga kababaihang makakabasa nito ay matutong magsalita at ipaglaban ang kanilang karapatan samantala, ang mga kalalakihan naman ay magiging higit na makatwiran at gagawa ng nararapat upang maitaguyod ang pagkakapareho ng tao anuman ang kasarian. Ang masasabe ko lang ay MATUTONG TUMAYO SA SARILING PAA. Wag kang papayag na babae yung naaaggrabyado sa lalake. Umiba na ang pagtrato ng babae ngayon. Hindi tulad noong unang panahon na Ginagalang, Minamahal, Binibigyang importansiya ang kababaihan. Okay lang pag ang magulang ay piniling magtrabaho pareho. Pero hindi naman siguro makatarungan kung yung babae lang yung naghahanap-buhay. Sa pagkakaalam ko ang Ama dapat ang mas responsible sa pagtrarabaho dahil siya ang “haligi ng tahanan”. At ang nanay dapat ang best guardians kung kayat tinawag na “ilaw ng tahanan” ng mga anak at pamilya kaya hindi dapat sila paghihiwalayin. Sa tulang ito binigyan niya ko ng pagunawa at importansya sa nag-iisa kong magulang sapagkat namatay ang aking ama noong ako’y anim na taong gulang palamang. Maraming pasasalamat ko sa aking ina sapagkat hindi nila kami pinabayaan at pinalaki kaming mabuti kahit wala siyang katuwang sa pagpapalaki sa amin. Mararamdaman mo talaga sa kaniya ang pagmamahal at pagsasakripisyo para mabigyan lang kami ng maayos na buhay kahit na ito’y hindi marangya, sapat na at kontento na kaming magkakapatid. Mahalin, irespeto at igalang natin ang ating mga magulang hanggat andyan pa sila na nakakasama natin.