Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Ibong adarna Lesson Plan, Study Guides, Projects, Research of English Literature

The history of the Philippines from 1565 to 1898, also known as the Spanish Philippines or the Spanish colonial period, was the period during which the Philippines were ruled as the Captaincy General of the Philippines within the Spanish East Indies, initially under New Spain until Mexican independence in 1821, which gave Madrid direct control over the area. -https://en.wikipedia.org/

Typology: Study Guides, Projects, Research

2020/2021
On special offer
30 Points
Discount

Limited-time offer


Uploaded on 03/10/2021

t-ady
t-ady 🇵🇭

5

(3)

1 document

1 / 7

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO
I. LAYUNIN
Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naisasalaysay ang mahahalagang pangyayari sa pagkikita ni Don Juan at ng Ibong
Adarna.
b. Nailalarawan ang katangian ng mga tauhang nabanggit at maihahambing ito sa aktwal na
karanasan sa totoong buhay.
c. Nakapagsasagawa ng iba’t ibang graphic organizers upang maipaliwanag ang
kaganapang nangyari sa pagkikita ni Don Juan at ng Ibong Adarna.
II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Ibong Adarna Aralin 24: Ang Muling Pagkikita ng Ibong Adarna at ni Don Juan
Sanggunian:: Aklat ng Ibong Adarna
Kagamitan: Kagamitang biswal (Cartolina)
III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. PAGHAHANDA
Magsitayo ang lahat para sa panalangin.
Maaari mo bang pangunahan _______.
Magandang Umaga Klas!
Kamusta naman kayo sa umagang ito?
Aba batid ko ngang mabuti ang inyong umaga
dahil halata naman sa inyong mga ngiti.
Marahil, masarap ang inyong naging almusal
ano?
1.Pagbabalik-Aral
Ngayon klas, magkakaroon nanaman tayo ng
panibagong paksa. Pero, bago natin iyon
tatalakayin, nais kong malaman kung talaga
bang natuto kayo sa ating talakayan noong
nakaraan. Tungkol nga ba saan ang ating
tinalakay noong nakaraan?
Magaling ano ba ang ginawa ng lobo, bakit
kaya siya tinawag na lobong engkatanda?
2.Pangganyak
Tama, ako’y nagagalak dahil sadyang natuto
kayo sa paksa natin noong nakaraan.
Ngayon naman magkakaroon tayo ng laro.
Alam ba ninyo ang larong charades?
Okay, ganito yun klas. Mayroon akong
papahulaang mga kataga. Upang mahulaan ito
kailangang ilarawan ng isang representante ang
kataga. Maaaring isenyas niya kung ilang salita,
kung tagalog ba o Ingles hanggang sa mahulaan
(Tumayo ang lahat)
Magandang umaga din po Ma’am.
Mabuti naman po.
Opo Ma’am.
Ma’am tungkol po sa Lobong Engkantada
Dahil ang lobo po ang tumulong kay Don
Juan upang gumaling na ito.
Hindi po Ma’am.
pf3
pf4
pf5
Discount

On special offer

Partial preview of the text

Download Ibong adarna Lesson Plan and more Study Guides, Projects, Research English Literature in PDF only on Docsity!

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

I. LAYUNIN

Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Naisasalaysay ang mahahalagang pangyayari sa pagkikita ni Don Juan at ng Ibong Adarna. b. Nailalarawan ang katangian ng mga tauhang nabanggit at maihahambing ito sa aktwal na karanasan sa totoong buhay. c. Nakapagsasagawa ng iba’t ibang graphic organizers upang maipaliwanag ang kaganapang nangyari sa pagkikita ni Don Juan at ng Ibong Adarna. II. PAKSANG-ARALIN Paksa: Ibong Adarna Aralin 24: Ang Muling Pagkikita ng Ibong Adarna at ni Don Juan Sanggunian:: Aklat ng Ibong Adarna Kagamitan: Kagamitang biswal (Cartolina) III. PAMAMARAAN Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral A. PAGHAHANDA Magsitayo ang lahat para sa panalangin. Maaari mo bang pangunahan _______. Magandang Umaga Klas! Kamusta naman kayo sa umagang ito? Aba batid ko ngang mabuti ang inyong umaga dahil halata naman sa inyong mga ngiti. Marahil, masarap ang inyong naging almusal ano? 1.Pagbabalik-Aral Ngayon klas, magkakaroon nanaman tayo ng panibagong paksa. Pero, bago natin iyon tatalakayin, nais kong malaman kung talaga bang natuto kayo sa ating talakayan noong nakaraan. Tungkol nga ba saan ang ating tinalakay noong nakaraan? Magaling ano ba ang ginawa ng lobo, bakit kaya siya tinawag na lobong engkatanda? 2.Pangganyak Tama, ako’y nagagalak dahil sadyang natuto kayo sa paksa natin noong nakaraan. Ngayon naman magkakaroon tayo ng laro. Alam ba ninyo ang larong charades? Okay, ganito yun klas. Mayroon akong papahulaang mga kataga. Upang mahulaan ito kailangang ilarawan ng isang representante ang kataga. Maaaring isenyas niya kung ilang salita, kung tagalog ba o Ingles hanggang sa mahulaan (Tumayo ang lahat) Magandang umaga din po Ma’am. Mabuti naman po. Opo Ma’am. Ma’am tungkol po sa Lobong Engkantada Dahil ang lobo po ang tumulong kay Don Juan upang gumaling na ito. Hindi po Ma’am.

ng lahat ng miyembro ang kataga. Papangkatin ko kayo sa dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay kailangang may isang representante na siyang kikilos o magpapahula sa harap. Maliwanag ba? Kung gayon, sisimulan na natin. Unang Kataga: I Miss You Pangalawang Pangkat: Long Time No See Magaling! Talagang nahulaan ninyo ang mga kataga. Muli ano ano nga ang mga katagang pinahulaan ko? Oo nga naman kasi di ba kapag matagal na nating di nakita, talagang mamimiss natin ang isang tao. At kapag muling nakita naman natin ang matagal na nating di nakita – anong kadalasang sinasabi bukod sa kamusta? Magaling! Ngayon klas, batay sa ating ginawa, tungkol kaya saan ang ating talakayan sa umagang ito? 3.Paglalahad Tumpak! Ang ating Paksa sa umagang ito ay ang muling pagkikita ng Ibong Adarna at ni Don Juan. Pero bago natin himay himayin ang ating paksa sa umagang ito, nais ko munang sabay sabay nating alamin ang ating mga layunin. Sabay sabay nating basahin. Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Naisasalaysay ang mahahalagang pangyayari sa pagkikita ni Don Juan at ng Ibong Adarna. b. Nailalarawan ang katangian ng mga tauhang nabanggit at maihahambing ito sa aktwal na karanasan sa totoong buhay. c. Nakapagsasagawa ng iba’t ibang graphic organizers upang maipaliwanag ang kaganapang nangyari sa pagkikita ni Don Juan at ng Ibong Adarna. 4.Paghahawan ng Sagabal Alam kong sabik na kayong matalakay ang ating paksa. Pero sa pagtatalakay, may makakatagpo tayong mga mahihirap na salita kung kaya, nais kong alamin muna natin ang Opo Ma’am! (Nahulaan ng unang Pangkat) (Nahulaan ng Pangalawang Pangkat) I Miss You at Long Time No See Ma’am Kapag may kaibigan o mahal sa buhay po akong matagal ko nang hindi nakita. Long Time No See Ma’am, tungkol po sa muling pagkikita ni Don Juan at ng Ibong Adarna. (Binasa ng mga mag-aaral)

(Binasa ang buod ng aralin 24) Umawit ang ibong Adarna upang gisingin si Don Juan. … Naintindihan ba ninyo ang aralin? Ngayon susubukan natin kung talagang naintindihan ninyo ang ating binasa. Mas lalo pa natin itong maiintindihan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan. Mayroon ako ritong isang laro. Kailangan nating tulungan ang Ibong Adarnang muling makita si Don Juan. Mayroong Limang Balakid. Kailangan nating masagot ang mga katanungan para matulungan natin ang Ibong Adarna? Handa na ba kayo? Unang tanong- Sa iyong palagay, ano kaya ang ugaling taglay nina Don Pedro at Don Diego? Naranasan mo na rin bang umasta na tulad ni Don Pedro at Don Diego? Ano ang pangatlong tanong? Magaling! Sunod na katanungan, Sino ang kanilang ama? (Nagdugtungan ang mga mag-aaral hanggang matapos. Opo Ma’am Handa na po Ma’am. Sino ang gumising kay Don Juan? Ang ibong adarna po .Nagising si Don Juan dahil sa kanyang awit. Pangalawang tanong: Ano ang tunay na pakay nina Don Pedro at Don Diego? Patayin silang dalawa. Sa tingin ko po, sila ay mga gahaman at di mabuting kapatid. Sarili lamang po nila ang kanilang iniisip Wala naman pong perpektong tao kaya masasabi ko po, minsan nagiging gahaman po talaga ako sa aking kapatid. Pero alam ko naman pong hindi ito mabuti at hindi ko dapat itong ugaliin. Ano ang utos ng Ibong Adarna kay Don Juan? Ang utos ng ibong Adarna kay Don Juan ay maglakbay ito patungo sa napakalayong Reyno na isang napakagandang kaharian sa dakong silangan. Ano ang matatagpuan ng Prinsipe sa Kaharian? Ang matatagpuan ng Prinsipe ay ang tatlong Prinsesa na nagngangalang Isabel, Juana at Maria Blanca. Ang kanilang ama ay si Haring Salermo na ubod ng tuso at talino.

At para sa Panghuling tanong? Magaling! Sa tingin ko’y lubos na nga ninyong nauunawaan ang ating paksa .Kung gayon, magkakaroon tayo ng pangkatang gawain. C.PAGLALAPAT Maaari ba kayong magbilang ng isa hanggang tatlo? (Nagbilang ang mga mag-aaral 1..2..3.) Ngayon pumunta kayo sa inyong mga pangkat Para sa Unang Pangkat – kayo ay gagawa ng Event Map hinggil sa ating Paksa. Pupunan ninyo ang mga tanong naa Sino, Ano, Paano, Kailan, Bakit at Saan Pangalawang Pangkat: Story Board Itatala ninyo ang mga mahahalagang pangyayari sa pagkikita ni Don Juan at Ibong Adarna. Pangatlong Pangkat: Character Chart. Ipapaliwanag ninyo ang ugali ng mga tauhang nabanggit sa aralin. Pero bago natin simulan ang pangkatang gawain narito ang magiging pamantayan sa pagbibigay ng puntos. Sino raw ang dapat piliin ni Don Juan? At bakit? Ang payo ng Ibong Adarna ay piliin ni Don Juan si Maria Blanca dahil ang ganda nito ay walang kaparis. PAMANTAYAN 5-4 3-2 1 1.Nilalaman Angkop na Angkop ang laman ng Graphic Organizer sa Paksa at naipaliwanag ng maayos Hindi gaanong angkop sa paksa ang laman ng graphic organizer at di gaanong naipaliwanag ng maayos Kulang at di angkop ang nilalaman ng graphic organizer sa paksa. Walang kabuluhan ang pagpapaliwanag 2.Pagkamalikhain Malikhain ang pagkagawa ng graphic organizer Hindi gaanong malikhain ang pagkagawa ng graphic organizer Hindi malikhain ang pagkagawa sa graphic organizer 3.Kooperasyon Lahat ng mga kasapi ay nakilahok sa gawain May iilang kasapi ang di nakilahok sa gawain Kalahati o mas marami ang di nakilahok sa gawain kumpara sa gumawa. Okay klas, kayo ay pinupuri ko sapagkat nagawa ninyong lahat ang ating mga pangkatang gawain. D.PAGLALAHAT

Basahin ang ika-25 Aralin na pinamagatang Ang Pagtuklas ng Bagong Daigdig. Isulat sa isang buong papel ang mahahalagang pangyayari sa araling ito at ang mga mahihirap na salitang matatagpuan sa seleksyon.